^

Pang Movies

Lani hindi pa rin makatrabaho, Pops tuloy pa ang paghuhurado!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Lani hindi pa rin makatrabaho, Pops tuloy pa ang paghuhurado!

Ang taping ngayon ng The Clash ng GMA 7. Kasama pa rin si Pops Fernandez dito bilang guest judge.

Hindi pa rin daw puwedeng makapag-taping si Lani Misalucha. Sabi ni Pops, kailangan pa raw magpahinga ni Lani. Mukhang enjoy rin naman siya sa pagiging guest judge nito.

Kaya naman ang fans ni Pops, sobrang tutok din sa The Clash dahil sa kanya.

Hindi ako magtataka kung kahit bumalik na si Lani rito, maging bahagi pa rin ito ng nasabing show.

Anyway, sa tsikahan namin ng Concert Queen, naikuwento niyang marami siyang new projects na sisimulan. Hindi pa lang daw puwedeng ikuwento kung anu-ano ang mga ‘yon. “I’ll tell you kapag puwede na. Can’t divulge yet!” sabi pa ng singer/actress.

Gold Squad, umpisa na ang series

Ang pasasalamat ni Chemist Pinky Tobiano kay Kyle Echarri ng Gold Squad para sa blankets na donation nito. Kasama ang blankets na donation ng Kapamilya actor/singer sa mga ipinamigay sa relief operations sa Cagayan Valley at Isabela ng grupo ng businesswoman/philanthropist.

Next week nga pala ay magsisimula na si Kyle sa lock-in taping ng Huwag Kang Mangamba series ng ABS-CBN kung saan ay makakasama niya ang kapwa niya Gold Squad members na sina Francine Diaz, Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

Ang pagsisimula nga pala ng Huwag Kang Mangamba series lock-in taping ang dahilan kung bakit matatapos na rin daw ang guesting naman ni Seth sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Masayang-masaya ang mga fan ng Gold Squad sa bago nilang series na ipapa­labas sa Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC app, sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN entertainment, at sa TFC (The Filipino Channel).

Inaasahan katulad ng Kadenang Ginto noon, magiging hit din ang Huwag Kang Mangamba series.

Ang bongga. ‘Yun na!

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with