^

Pang Movies

Basher ni Catriona, natauhan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naging issue sa maraming netizens ang pagi­ging MIA o missing in action ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa gitna ng sunud-sunod na sakuna na dala ng bagyong Ulysses.

Nataon kasing bumibiyahe si Catriona patungong Colombia dahil naimbitahan ito maging judge sa Miss Universe Colombia 2020.

Binash si Queen Cat ng ilang netizens sa mga post nito sa social media ng ilang stopovers nito patungong South America. Sinagot ni Cat ang pagpuna ng netizen sa kanyang pagbiyahe sa gitna ng calamity sa Pilipinas. Ang imbitasyon daw to Colombia ay ilang buwan nang nakumpirma at trabaho ito at hindi leisure trip. Tsaka hindi raw nagpabaya si Cat sa kanyang tungkulin sa PRC.

Naliwanagan ang netizen at nag-apologize ito sa pag-bash niya kat Cat. Patuloy naman na nanawagan si Cat via IG video sa marami ng tulong para sa mga biktima ng typhoon Rolly at typhoon Ulysses.

“I am appealing to the generous donors and kind-hearted people from the Philippines and our friends from around the world, please help by donating to the Philippine Red Cross. These donations can help with its current rescue and relief operations and go towards the funding and distribution of hygiene kits, non-food, and food items that these affected Filipinos desperately need in these times of crisis.”

Geoff Taylor, mabilis umaksyon sa mga kababayan

Lumaki sa Tuguegarao, Cagayan Valley ang singer-actor na si Geoff Taylor. Si Geoff ang male winner ng GMA singing contest na Are You The Next Big Star noong 2009. Ilang bagyo na raw ang dumaan sa hometown ni Geoff simula pa noong bata siya, pero nagulat siya sa nangyari ngayon sa Cagayan Valley dahil halos lumubog na ang buong probinsya sa matinding baha dala ng bagyong Ulysses.

Nasa Cagayan ang pamilya at mga kamag-anak ni Geoff at labis siyang nag-alala noong nakarating sa kanya ang masamang balita.

Pinost ni Geoff sa kanyang Facebook ang panawagan na kailangan ng tulong ng maraming kababayan niya.

Mabilis kumilos si Geoff para makaipon ng mga donasyon. Thankful siya sa mga kaibigan niya sa industriya at sa kanyang mga katrabaho sa sunud-sunod na tulong na dumating.

Donnie Wahlberg, consistent sa pamimigay ng libu-libo na tip

Sa nangyaring pandemic sa buong mundo, ma­rami pa rin ang may tinatawag na “heart of gold.”

Isa na rito ang actor-singer na si Donnie Wahlberg na nag-viral ang kanyang amazing act of generosity.

Tumugon ang former New Kids On The Block member sa on­going “2020 tip challenge.” Noong mag-lunch si Donnie sa Marshland Restaurant and Bakery sa Cape Cod, Massachusetts, nag-iwan ito ng tip sa waitress na si Denise Andrews na $2,020 sa kinain niya na may halaga lang ng $35.

Nagpasalamat ang restaurant owner kay Donnie sa iniwan nitong tip sa nag-serve sa kanyang waitress via social media: “A very special thank you to our friend (Donnie Wahlberg)! When asked about it all he said was, ‘Who’s up next.’ Donnie has been here before in the past and he always asks for Denise. When he left he just said, ‘Denise, you’re all set. The payment is on the table’... She always says he’s a very good tipper anyway but her jaw dropped, to say the least, when she saw that amount of tip.”

Nagsimula ang #2020tipchallenge noong January at laging may participation si Donnie. Kuwento ng kanyang misis na si Jenny McCarthy, sa $76 lunch bill ni Donnie sa IHOP in St. Charles, Illinois last January, nag-iwan din ito ng tip na $2,020.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with