^

Pang Movies

Kapamilya, handa na rin ang Christmas station ID

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Bagama’t hindi na-approve ang renewal of franchise ng ABS-CBN sa Kongreso, magkakaroon pa rin ng Christmas ID ang network. After all, as far as the network’s followers are concerned, ang ABS-CBN pa rin ang number one TV station in the country.

Si Robert Labayen, ABS-CBN Creative Communications Management head, ang namahala rito.

Isa na rin nga palang TV host si Sir Robert, as he is now co-host ni Charo Santos sa programa nitong Dear Charo sa FYE Channel on Kumu.

Meanwhile, naudlot kahapon ang pagpapalabas ng GMA 7 ng kanilang Christmas Station ID for this year.

Pamilya ni John, nabiktima ng dalawang bagyo

Bicolano pala si John Arcilla, who plays a fierce kontrabida in the long running series, topbilled by Coco Martin, FPJ’s Ang Probinsyano.

Born in Virac, Catanduanes pala ang kanyang amang si Dominador Arcilla.

Kaya, marami raw siyang relatives sa Virac na dahilan kung bakit apektado raw siya sa devastation na dahilan ng mga katatapos na mga bagyo, lalo na raw ng bagyong Rolly.

Kaya, somehow, nakakahinga na raw siya nang maluwag, since balita ngang “paalis” na si typhoon Ulysses.

Dalangin daw niya na kung totoong may dalawa pang bagyong darating, huwag namang maging as strong ang tama nito sa Bicol, at sa iba pang parte ng Pilipinas.

Kean at Chynna, naka-limang taon na agad

How time flies, Salve A.? Would you believe na five years na palang kasal sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza?

At may dalawa na silang anak.

At one time, na-link din sina Kean at Alex Gonzaga, na kung sabagay, ikakasal na rin.

Yes, engaged na si Alex sa Lipa City Councilor na si Mikee Morada.

Rica (as in rich) daw ang family ni Mikee sa Batangas.

Jessy, willing uling makatrabaho si JM

Kung anu-anong isyu ang kumbaga ang “itinatapon” kay Jessy Mendiola, na ewan kung bakit pinapatulan naman niya.

Ang pinaka-latest nga ay ang diumano’y pagiging mukha na niyang may anak, samantalang supposedly ay may fitness and lifestyle show siya sa kasalukuyan sa TV5.

In any case, how true that both Jessy and JM de Guzman are willing na magkatrabahong muli?

At one time, napabalitang naging mag-sweethearts sila at naghiwalay in 2015.

And then, may nangyari kay JM, which caused him to quit showbiz for a time.

Ang tanong, alam kaya ito ni Luis Manzano, the current love of her life ni Jessy?

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with