Jessy rumesbak sa isyung mukhang may anak na
Jessy

Jessy rumesbak sa isyung mukhang may anak na

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 12, 2020 - 12:00am

Panalo ang sagot ni Jessy Mendiola sa isang basher na nagsabing mukhang nanganak na ang kanyang tiyan.

Sa larawang ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account, makikita na naka-pang-work out outfit siya na sando and shorts kung saan ay naka-expose ang abs ng kanyang tummy.

Actually, kitang-kita nga sa larawan ang fit na pangangatawan ni Jessy at ang gandang tingnan ng kanyang abs. Pero may basher pa rin talaga na pumintas at nanlait sa aktres. “Bat ganun ung tyan nya… parang nanganak na,” komento ng basher.

In fairness kay Jessy ay hindi siya napikon at nakakaaliw nga ang kanyang sagot.

“Naku sana nga ganyan itsura ng tyan ko kapag nanganak ako,” sagot ng aktres.

Dahil sa kanyang panalong sagot ay pinuri ng netizens si Jessy. One follower remarked, “love how you handle this kind of comment jessy. Slay girl!”

Komento naman ng isa niyang follower, “salute to u for dealing all ur bashers with class.”

Bukod dito ay ang dami ring pumuri ng kanyang abs at maliit na tiyan. May nagkomento pang ang swerte naman ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

Robin ayaw nang magpa-NBI

Binura rin ni Robin Padilla ang Instagram post niya last Tuesday tungkol sa fake news na pumanaw na siya. Sa naturang post na nirepost na rin ng mga showbiz blogs and portals ay makikita ang post ng netizen na nagsasaad na nakikiramay siya sa pamilya ng iniidolong action star lalo na sa asawa nitong si Mariel Rodriguez. Sa caption ay isang dasal ang inilagay ni Robin.

“In the name of Allah, the Beneficent, the Merciful. “Say: I seek refuge with the Lord of the Dawn, from anything harmful in Creation, from the evil of darkness as it spreads, from the evil of knotted spells,
from the evil of the envier when he envies,” ang prayer caption ni Binoe.

Sa comments section ay nag-comment si Mariel ng “Lagi na lang noh babe? Lagi sila may ganyan...”

Sumagot naman si Binoe at ibinahagi na nagreklamo na raw siya before sa NBI (National Bureau of Intelligence) noong 2016 because of a similar case.

“Wala naman tayo magagawa @marieltpadilla nagreklamo na ako sa NBI cyber crime patungkol sa mga katulad ni krissy nagpunta pa ako don kasama si atty jurado 2016 pa pero hanggang ngayon walang resulta. Ipagpasa Dios na lang natin at patuloy lang tayo magbayad ng tax para may panggastos ang nbi,” ang komento ni Binoe.

Noon pa ay napakarami nang death hoax sa internet among showbiz personalities at isa nga si Binoe sa ilang beses nang nabiktima.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with