^
Crazy Rich Asians hunk Henry Golding, magkaka-baby na

Crazy Rich Asians hunk Henry Golding, magkaka-baby na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 12, 2020 - 12:00am

Magiging daddy na ang Crazy Rich Asians hunk na si Henry Golding.

In-announce nila ng kanyang misis na si Liv Lo via social media ang pagkakaroon nila ng baby.

Post ni Henry: “2021 is already looking brighter”

“Such immense joy this little one has brought us already. Now we get to share it with you. We love you,” caption naman ni Liv.

Kinasal sina Henry at Liv noong 2016 at na-delay ang pagkakaroon nila ng baby dahil sa sunud-sunod na paggawa ng pelikula ni Henry. Bukod sa Crazy Rich Asians, ginawa ng aktor ang A Simple Plan, Last Christmas, The Gentlemen at Snake Eyes.

Katatapos lang ni Henry i-shoot ang pelikulang Monsoon sa bansang Vietnam.

Unica hija ni Sheryl, ayaw sa showbiz

Proud mama si Sheryl Cruz nang i-post niya sa kanyang Instagram ang latest photo ng unica hija na si Ashley Nicole Bustos. “#UnicaHija2020. She sent me that photo this morning,” caption ng aktres.

Nag-aaral sa San Francisco, California si Ashley kaya sobrang nami-miss ito ni Sheryl. Nag-alala nga ito sa kalagayan ng anak sa ibang bansa noong makaroon ng pandemic. Pero naging maayos naman daw ang communication ng mag-ina.

Maraming fans ni Sheryl ang nagtatanong kung may balak bang mag-artista si Ashley dahil nasa dugo nito ang showbiz. Pero sey ni Sheryl na wala raw interes ang anak sa showbiz.

Samantalang naghahanda na si Sheryl sa lock-in taping ng teleserye nila.

CRAZY RICH ASIANS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with