^

Pang Movies

Lolit at Cristy, pinanindigan si Mr. Fu

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Lolit at Cristy, pinanindigan si Mr. Fu

Marami talaga ang pumalakpak sa ginawang pagtanggi nina Manay Lolit Solis at Cristy Fermin na makasama si Kris Aquino sa isang planong talk show. Ang dahilan daw ng pag-atras ng mga ito ay ang pagkuwestyon ni Kris Aquino kung sino si Mr. Fu. Hindi raw yata nito kilala ang radio-TV personality.

May mga nagdududa sa sinabi nitong hindi kilala si Mr. Fu gayung sikat na sikat naman na ito.

Kahit na maayos at nakalatag na ang lahat at nakahanda nang simulan ang programa, hindi na rin tumuloy ang dalawang talk show hosts kung aalisin ang isa nilang kasama sa online show nilang tatlo na Take It… Per Minute Me Ganun.

Marami ang humanga sa dalawang TV host/columnist dahil sa pagiging tapat nilang kaibigan kay Mr. Fu. Hindi nila inilaglag ang kasama para sa kaunting barya.

Magkaroon pa kaya ng show si Kris dahil sa nangyari?

Mga celebrity na naglalantad ng yaman, nagiging insensitive

May mga nakakapuna na bakit daw patuloy ang paglalantad ng mga kaya­manan at pag-aari ng ibang celebrities na para bang layunin ng mga itong ipagyabang ang kani-kanilang yaman. Sa totoo lang, hindi ito ang tamang panahon para ipangalandakan ang yaman na meron sila dahil marami sa mga tagahanga nila ang naghihirap at nawalan ng trabaho dahil sa existing pandemonic attack ng COVID-19.

Hindi man siguro nila intensyong mang-inggit pero marahil nagiging sensitive sila para sa mga hindi pa nakakabangon ngayong pandemya.

Sa panahong ito, hindi ba mas maganda sana na sa halip na magyabang ay ibahagi na lamang nila ang blessings na natatanggap sa mga naghihirap na kasamahan.

Well, pinaghirapan naman nila ang lahat ng meron sila kaya sino nga ba tayo para pigilan sila?

Mga kalahok sa MMFF, lihim na lihim pa

Kung last year ay nag-uunahan ang movie producers sa pagsali sa Metro Manila Film Festival dahil tiyak na tiba-tibang pera ang kikitain ng kanilang pelikula kapag showing na ito, ngayon ay mistulang sikreto ang mga gustong lumahok dahil hindi pa nila alam ang magiging resulta sa takilya.

Naisip nga naman nila na sa panahong ito, may mga tagahanga pa kaya na gustong pumunta ng sinehan? Kung sakali man ay papayag ba ang mga itong sumunod sa health protocols na siguradong hindi magiging komportable ang mga ito na nakasuot ng face mask at face shield habang nanonood ng pelikula?

Saka digital edition ang MMFF 2020, ibig sabihin sa cellphone at computer lang ito puwedeng mapanood.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with