^

Angeline, hindi magtatrabaho habang nagluluksa

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 10, 2020 - 12:00am

Isa sa mga pinasalamatan ni Angeline Quinto na nagpadala ng flowers sa burol ng adoptive mother niyang si Mama Bob ay ang management company na Cornerstone Entertainment.

Pero hindi na pala ang kumpanya ni Erickson Raymundo ang nagma-manage ng career ni Angeline. Mga dating taga-Star Magic na ang manager ngayon ni Angeline.

Kreativden Enterprises, Inc. ang pangalan ng nasabing management team at sila rin ang nagma-manage kina Richard Yap, Daryl Ong, Bugoy Drilon at iba pa.

Maayos naman daw ang naging pagpapaalam ni Angeline sa Cornerstone Entertainment.

Sa November 22 ay live na uli ang ASAP Natin ‘To, pero nagpaalam naman daw si Angeline na hindi muna ito makakapag-show.

Magpapahinga rin daw muna siya sa I Can See Your Voice at hindi kaagad makakapag-lock-in taping para sa new teleserye ng ABS-CBN, ang Huwag Kang Mangamba, na pagbibidahan ng Gold Squad nina Andrea Brillantes, Seth Fe­delin, Francine Diaz at Kyle Echarri.

Noong na-stroke at nasa hospital din kasi ang adoptive mother niya, halos wala ring pahinga si Angeline, kaya magbe-break muna siya bago tuluyang sumabak uli sa trabaho.

ASAP at SNL, pilit na pinagtatapat

Speaking of ASAP Natin ‘To, mag-live rin kaya ang katapat na Sunday Noontime Live (SNL) sa November 22 para sa tapatan nila?

Hindi maiiwasang pinagtatapat talaga ang dalawang Sunday noontime shows na ‘yon dahil galing nga sa ASAP Natin ‘To si Mr. M (Johnny Manahan) na siyang man behind sa TV5 show ng Brightlight Productions ni Mr. Albee Benitez.

Mas tinututukan at pinagkukumpara ng mga intrigero’t intrigera ang dalawang Sunday noontime shows na ‘yon dahil naiiba naman ang All-Out Sundays ng GMA 7 dahil may touch of comedy ‘yon na tinututukan ng mga gustong maaliw at tumawa!

Myrtle, kasado na ang virtual concert

Ang face-to-face presscon ng Myrtle: Still Love Me ni Myrtle Sarrosa kahapon. Sobrang laki ng venue no’n at panay ang paalala ng producer na si Atty. Ferdinand Topacio to practice social distancing.

Bilang isang lawyer, sinabi ni Atty. Topacio na ayaw niyang magkaproblema, kaya kahit sa gagawin nilang taping para sa virtual concert ni Myrtle ay kailangang i-practice ang lahat ng health and safety protocols na pinatutupad ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa November 28 na ang virtual concert ni Myrtle at malaki ang pasasalamat ng dalaga na pati mga kakilala at mga fan niya abroad ay makakapanood no’n.

Available na ang digital tickets ng Myrtle: Still Love Me sa ticket2me.net at P600 lang ‘yon!

ANGELINE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with