^

Pang Movies

Angelica, nanghihinayang pa rin kay Carlo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Angelica, nanghihinayang pa rin kay Carlo!

Halatang nanghihinayang pa rin si Angelica Panganiban sa nawasak nilang friendship ni Carlo Aquino. Sa recent episode kasi ng kanyang online show na Ask Angelica ay tinanong siya ng maga­ling na direktor na si Olivia Lamazan kung anong klaseng role or pelikula ang hindi na niya gagawin at kung ano rin ang gusto pa niyang gawin.

Ang nasabing episode ay birthday special na rin ni Angelica na nagdiwang ng kaarawan last Nov. 4.

Una munang sinagot ni Angelica ang role na gusto niyang gawin at aniya, ito raw ay ang papel na lesbian.

“May one time na ginawa ko ‘to for MMK (Maalaala Mo Kaya), nag-play ako as a lesbian. Pero syempre, medyo ano siya, play safe kasi made for TV. I’m sure, sa pelikula, mas mae-express mo, ‘di ba?” sey ni Angelica.

Sa mga role na ayaw naman niyang gawin, hindi naman daw siya nagsasara ng pinto pero may isang bagay daw siyang natutunan. “Siguro, sa ayaw gawin, hindi ako ganu’n, eh, hindi ako nagsasara ng pinto. Pero siguro, ang natutunan ko, ‘yung huwag mong sirain ‘yung friendship dahil sa isang project.

“Lalo na nu’ng nakipagtrabaho ako sa ex ko, parang nanghinayang ako ro’n sa friendship na meron kami even before starting the film kasi, wala na, nasira na ‘yung friendship, kasi napasukan na ng ka-showbiz-an,” sey ni Angelica.

Without mentioning who, obvious naman na ang tinutukoy ni Angelica na ex niya ay si Carlo. Matatandaang gumawa sila ng pelikula in 2018, ang Exes Baggage at nagkaroon ng falling out after dahil ang tsika nga ay pinaasa lang daw ng aktor si Angge.

Ngayon ay hindi pa speaking terms ang dalawa at nagsalita na rin dati pa si Angelica na ayaw na niyang makatrabaho si Carlo.

Marian, aminadong mas makulit sa kanya si Zia

Magkamukhang-magkamukha pala si Marian Rivera at anak niyang si Zia noong bata pa ang aktres.

Nag-post ng throwback photo si Ma­rian noong halong kasing-age siya ni Zia ngayon at kitang-kita talaga na halos carbon copy niya ang anak. “Parang ako rin daw si Zia noong bata, agree ba kayo?” ang bahagi ng caption ni Marian.

Dagdag pa niya, mas makulit daw ang anak niya kaysa sa kanya ng 1,000 times. “Pero sa totoo lang mas makulit ng 1000x ang anak ko. Napaka-curious at #TodoExplorer!” pagbabahagi pa ng aktres.

Ang dami namang netizens na um-agree na magkamukha nga ang mag-ina at sey nila, little Marian daw talaga si ate Zia habang ang bunso naman nilang si Ziggy ay little Dingdong Dantes.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with