^

Nanay namatay mga kaibigan at ka­trabaho, todo ang pakikiramay kay Angeline

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 8, 2020 - 12:00am

Yumao na ang adoptive mother ni Angeline Quinto, si Sylvia Ticman Quinto o mas lalong kilala sa tawag na Mama Bob.

Kahapon ay nag-post si Angeline sa social media ng tungkol sa pagpanaw ng kanyang nanay.

Sinabihan ng singer/actress ang kanyang nanay na mag-iingat ito sa paglalakbay at hindi man niya maalalayan sa paglalakad ngayon si Mama Bob patungo sa paraiso ay masaya naman daw si Angeline dahil alam niyang nandiyan ang Panginoon para umalalay sa kanyang nanay.

Sinabi rin ni Angeline na mahal na mahal niya si Mama Bob.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga kaibigan in and out of showbiz kay Angeline.

Karamihan sa nakita kong nag-post ng kanilang pakikiramay ay mga kasamahan niya sa ABS-CBN.

Noong September 9 ay na-stroke si Mama Bob at naratay na ito sa hospital since then.

Ang hiling nga noon ni Angeline ay ang tulungan siyang ipagdasal na gumaling si Mama Bob. At sa tuwing nakaka-chat ko noon si Angeline ay nababanggit niya na palagi siyang dumadalaw kay Mama Bob niya sa hospital.

Samantala, nang magka-text kami kahapon ni Ogie Alcasid, tinanong ko siya kung ano ang message nila ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid para kay Angeline. Kilalang malapit ang singer sa mag-asawa.

Una ko ngang nakilala si Angeline sa bahay ni Regine noong nagsisimula pa lang sa showbiz ang una. “We pray for her and the rest of the family. I lost my Dad and I know how it feel,” sabi ni Ogie.

Kung matatandaan, yumao ang tatay ni Ogie, si Mr. Herminio Alcasid, Sr., noong second week of September.

Bianca at Sen. Sherwin, panay ang date sa mall

Ang social distancing ice cream date ng mag-sweethearts na sina Senator Sherwin Gatchalian at Bianca Manalo.

Sa Power Plant Mall, Rockwell Center, Makati City nagpunta ang mag-sweethearts.

Obvious na very serious ang relasyon ng dalawa. Basta may pagkakataon, palagi silang magkasama.

Malapit na ring bumalik sa lock-in taping sa Batangas ng FPJ’s ANg Probin­syano si Bianca kaya marahil ay sinasamantala na  nila ni Sen. Sherwin ang pahinga ng girlfriend sa trabaho.

Aleck 4 years lang ang age gap sa ‘anak’

Suwerte rin ng dating sexy star na si Aleck Bovick dahil may work na naman siya sa ABS-CBN.

Kasama si Aleck sa Init sa Magdamag na pinagbibidahan nina Yam Concepcion, Gerald Anderson at JM de Guzman.

Naaliw lang ako sa komento ng isang malapit kay Aleck. “Halos magkasing-edad lang sina Aleck at Yam, pero nanay ni Yam ang role ni  Aleck sa teleserye nila,” sabi ng kausap ko.

Nang i-check ko, 36 years old lang pala si Aleck noong May 18 at si Yam ay 32 years naman noong May 27.

So, 4 years and 9 days lang pala ang tanda ni Aleck sa “anak” niyang si Yam.

Well… ‘Yun na!

ANGELINE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with