^

Utol ni Pia, tuloy ang pag-iingay

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - November 4, 2020 - 12:00am

May mga nagkomentong dapat na raw tumigil ang utol ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Sarah sa paninira sa kanyang pamilya lalo na sa kanilang ina. Hindi na raw dapat nito isapubliko pa ang problema ng kanilang pamilya at sila na lang dapat ang mag-usap-usap sa isang pagtitipon.

Saka utang na loob, panahon ng COVID, sana ay magdasal na lamang ito sa halip na ilantad pa ang mga kuwentong hindi naman involved ang showbiz. Lalo lamang lalaki ito kung marami pa ang makikisawsaw.

Mas makakabuti kung mananahimik na lang.

Gloria, pinatatahimik ang isyu sa Miss U PH

Sa isang presscon, nabanggit ng first Filipina Miss Universe na si Gloria Diaz na magkahawig ang kanyang anak na si Isabelle Daza at ang kinoronahang Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

Kaya sana matigil na ang intrigang nagkaroon ng dayaan sa naturang pageant dahil tapos na at nakoronahan na ang nanalo.

Well, nanggaling na mismo kay Miss Gloria Diaz na deserving si Miss Iloilo sa pagkapanalo nito kaya tama na ang kanegahan.

Nanay ni Ate Vi nami-miss sa kanyang birthday

Malaking kakulangan sa birthday celebration ni Cong. Vilma Santos kahapon ang kanyang yumaong ina. Si Mommy Milagring kasi ang madalas na nag-aasikaso ng food na hinahanda ni Ate Vi para sa kanyang mga bisita.

Since bawal pa ang mga pagtitipon para maiwasan ang pagkahawa ng COVID-19, simple lang ang naging selebrasyon ni Ate Vi.

Pagmamahal sa mga magulang hindi dapat kalimutan

Kahit paulit-ulit ay hindi nakakasawa ang prayer ng radio host na si Morly Alino ng DZRH tungkol sa huwag kalimutang pagmamahal sa ina, ama, lolo at lola. Hindi raw dapat ikahiya ang mga ito at lalong ‘wag pagmalupitan at pagdamutan dahil may edad na ang mga ito bilang respeto.

Maging sina Gorgy Rula at Shalala ay ganito rin ang pangaral sa mga nakikinig sa programang Showbiz Talk Ganern.

Theme song nito ang song ni Jojo Mendrez na isang Christmas song na talaga namang nakakaantig ng damdamin.

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with