^

Pang Movies

Kaso ni Tekla, sinusubaybayan sa YT

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Ang lakas sa YouTube ni Super Tekla.

Trending ang mga related video sa kaso nila ng ka-live in niyang si Michelle Bana-ag.

Kung sabagay sangkot kasi ang pangalan ni Mr. Raffy Tulfo kaya, milyunan ang views.

Tinuturing na hari ng YT si Mr. Tulfo sa kasalukuyan.

Jessica, maraming nakalkal na malalagim na kuwento

Mapapanood ang taunang inaabangang katatakutan ng bayan ang Gabi ng Lagim VIII Kapuso Mo, Jessica Soho Halloween Special.

Ngayong 2020, nabubuhay ang buong mundo sa takot sa CO­VID-19. Ngunit tila hindi pa ‘yan sapat. Dahil sa gitna ng pandemya, may ibang patuloy pa ring binubulabog ng mga hindi matahimik na kaluluwa, mga elemento, at kampon ng kadiliman.

Ang kanilang mga makapanindig-balahibong karanasan, mala-true to life na horror films!

Sa Misamis Occidental pala, ang ipinanakot sa mga bata para hindi lumabas nang nagka-lockdown ay isang lumang manyika. Nabubuhay raw kasi ito at nanggagambala. Sa kalagitnaan nga raw ng interview ng programa sa dating may-ari nito, may nai-record sila na nakakakilabot na tawa!

Mala-virus naman na pinangangambahan ng mga taga-Mexico, Pampanga, ang pagdating ng isang misteryosong itim na kabayo na may hila-hilang karo. Kapag nakita at narinig na raw kasi ito, hudyat na may mamamatay sa kanilang bayan! Bakit nga ba ang “Karo de Kabayo,” patuloy na tumatakbo sa kanilang kamalayan at naglalaro sa kanilang imahinasyon?

Samantala, noong 1800s, isang epidemya ang kumalat sa Maynila ang cholera outbreak. Karamihan sa mga namatay noon, inilibing sa Paco Cemetery na isa na ngayong parke. Sa pagpunta ng paranormal researcher na si Ed Caluag sa lumang libingan, halos hindi niya kinaya ang kanyang mga nakita, lalong lalo na ang “Ghost Bride sa Paco Cemetery”!

 Ang posibleng katauhan ng ghost bride, natunton ng KMJS team! Kaloka ang mga nahahalukay na kuwento ng programa ni Jessica Soho tuwing Linggo.

vuukle comment

TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with