^

Pang Movies

Zia, plakado ang pagka-prinsesa

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Zia, plakado ang pagka-prinsesa

Sarap na sarap talaga si Marian Rivera na bihisan ang babaeng anak na si Zia lalo na kapag may okasyon sa school ng bata.

Ilang beses nang nagsuot ng costume si Zia at laging nananalo ng best costume, huh!

Nang i-celebrate sa school si Zia ang Halloween, aba, batang prinsesa ang peg niya bilang si Princess Jasmine ng Disney film na Alladin.

Plakadung-plakado ng bata ang costume mula ulo hanggang paa. No wonder, ang daming netizens na pinusuan si Zia bilang little version ni Princess Jasmine, huh!

Adorableng-adorable kasi ang hitsura ni Zia kaya si Marian, aliw na aliw sa anak kahit nasa bahay lang siya ngayon!

Anyway, unang araw ng Nobyembre ngayon. Binago man ng pandemya dahil sa COVID-19 ang selebrasyon ng Trick or Treat at araw ng Undas, atin pa ring ipagdasal ang yumao nating mahal sa buhay.

Siyempre pa, everybody’s looking forward sa Disyembre at manalangin din tayo na mapawi na ang virus at magkaroon na ng vaccine nang sa gayun, mairaos natin ang Pasko nang walang takot!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with