^

Pang Movies

Sanya masusubukan na nina Bong at Gabby

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sanya masusubukan na nina Bong at Gabby

Thankful and feeling blessed si Kapuso actress Sanya Lopez. Mukhang siya ang favorite leading lady ngayon sa GMA Network. Bukod dito, kung napapansin ninyo, sunud-sunod ang paggi-guest niya sa mga show ng GMA.

Matapos na siya ang napiling katambal ni Gabby Concepcion sa romantic-comedy series na First Yaya, na malapit nang magsimula ng lock-in taping nila, heto at may announcement na rin na magsisimula na ang taping ng Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla, na noon pa nag-announce na si Sanya ang kanyang napiling leading lady.  “I’m very happy na binigyan ako ng GMA ng opportunity na talagang mai-partner sa dalawang mahuhusay na actor,” sabi ni Sanya nang ihayag niya ang feelings niya tungkol sa dalawang proyektong gagawin. “Sigu­ro ay  gagalingan ko na lamang ang acting ko dahil dalawang mahuhusay na actor ang makakatambal ko.”

Sa interview ng 24 Orasa, naitanong kung hindi ba problema kung magkakasabay ang taping niya ng dalawang proyekto? “Ipapabahala ko na lamang sa dalawang production kung paano ang magiging schedule ko ng ta­ping. Ipapangako kong gagawin ko ang best ko para hindi ako mapahiya sa kanila.”

Julie Anne, naibahan sa animation component

Congratulations din kay Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa pagkapili sa kanya ng Netflix Phi­lippines para sa local cover ng Rocket to the Moon, ang theme song ng 2020 animated film na Over the Moon. “I hope I was able to give justice to the song and hope that fans like it, dahil ibang-iba ang shoot namin nito from the previous music videos that I have done since this time, there is an animation component.The funpart was that everyone was humming the song even the most macho crew on the set,” sabi nito

Kitang-kita naman ang effortless na pag-awit ni Julie Anne ng cover, kaya naman pinuri siya ng mga kapwa Kapuso stars at mga netizens sa nakakabilib niyang performance.

Samantala, may double celebration sa All-Out Sundays ngayong araw dahil magkakaroon sila ng masque­rade ball party na dadaluhan ng mga Kapuso stars at may bago ring artist silang iwi-welcome sa show. Pangu­ngunahan ito nina Alden Richards, Julie Anne, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Rita Daniela, Ken Chan, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, at marami pang iba.

vuukle comment

SANYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with