Aga, sanay na nakapambahay na lang!

Aga, sanay na nakapambahay na lang!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 1, 2020 - 12:00am

Naging positive na lang daw si Aga Muhlach sa nangyaring pandemic sa buong mundo. Hindi raw nakakatulong sa kanya kung maging negative siya.

Ilang dekada na kasing nasa sa showbiz si Aga at ngayon lang daw nangyari ang ganito na nagpadapa sa maraming business, kasama na ang entertainment business. “Ang nangyaring ito sa buong mundo, it’s very weird! Talagang lahat apektado. Pero kailangan tanggapin natin, di ba? Wala naman tayong magagawa. Iniisip ko na lang na nagbakasyon tayong lahat ng isang taon. Nagpahinga para maisip natin yung next step sa buhay natin. But I always believe that God is mightier than all of this. Magiging okey din ang lahat,” diin ni Aga.

Ang naging maganda raw ay nakasama niya ang kambal nila ni Charlene Gonzalez na sina Andres at Atasha dito sa Pilipinas.

“They were both suppose to study abroad. Dapat nasa kani-kanilang dorm rooms na sila and enjoying their freshman year in college. Pero dahil sa nangyari, di sila natuloy umalis. Naging okey dahil buo kaming pamilya na nandito. At least, di kami nag-aalala ni Charlene dahil nandito lang sila at wala sa ibang bansa.”

Blessed naman daw si Aga dahil kahit may pandemic, may mga endorsements pa rin siya at may bagong TV show na Masked Singer Pilipinas.

“Thankful kami lahat na kahit may pandemic, may blessings na dumating. We are also in the middle of moving to our new house.

“Pabalik-balik kami sa old house kasi nandoon pa yung ibang gamit namin. Buti na lang walang mga special events ngayon kasi sanay akong naka-shorts at pambahay na lang!” tawa pa niya.

Next year na lang daw gagawa ng pelikula si Aga kapag okay na ang situation.

“Nag-meeting kami nila ni Boss Vic (del Rosario) and sinabi ko na next year na kami gumawa ng movies. Iba kasi kapag sa sinehan manonood di ba? Kapag maganda na ang lahat sa mundo, then we can make lots of movies again.”

Paris Jackson sinusundan ang amang si Michael

Tuloy na ang pagsunod ni Paris Jackson sa kanyang yumaong ama, ang King of Pop na si Michael Jackson.

Pumirma ng kontrata si Paris with Republic Records at na-release na ang first-ever solo track niya titled Let Down.  The song was written by Paris and produced by Manchester Orchestra’s Andy Hull.

Sey ng 22-year old singer: “I feel so many emotions. I’m excited, I’m nervous, mostly grateful and happy. The freedom to create, not being told what to sing and how to sing it, what to write; it’s awesome. It’s a gift, it’s a blessing.”

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with