Papa P balik kapamilya?!
Papa P balik kapamilya?!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 31, 2020 - 12:00am

Balik-Kapamilya nga ba si Piolo Pascual?

Naglunsad kasi siya ng Iiyak Sa Ulan song na magiging lead single ng kanyang upcoming album handog ng Star Music. Bahagi ito sa inaabangang all-original album na Piolo na kasalukuyan niyang pinaghahandaan. Bukod sa kanyang solo renditions, tampok sa album ang duet niya kasama ang iba’t ibang local female artists.  

Mapapanood din ang actor-singer bilang special guest sa susunod na episode ng Dear Charo na ipapalabas sa Kumu @fyechannel sa Lunes (Nob­yembre 2), 8 p.m.

Kasalukuyang nasa Sunday Noontime Live si Papa P ng Brightlight Productions na napapanood sa TV5.

Zoren, inihatid sa lock-in taping ng mga anak

 Nagsimula na ang 23 days lock-in taping ng GMA Afternoon Prime series na  Bilangin ang Bituin sa Langit, kung saan parte ng cast ang Kapuso actor na si Zoren Legaspi. 

 At dahil matagal-tagal na hindi makakauwi sa bahay, inihatid siya ng mga anak na sina Mavy at Cassy sa San Mateo, Rizal kung saan siya pansamantalang nananatili.

Sa isang Instagram post, pinasalamatan niya ang mga ito, “Thank you @cassy and @mavylegaspi for bringing me here in my bubble.”

 Kasalukuyang napapanood sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit ang replay ng One True Love sa GMA Afternoon Prime.

PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with