Gerald at Julia, hindi na kailangang âmagtagoâ
Gerald at Julia, hindi na kailangang ‘magtago’
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 31, 2020 - 12:00am

Sure ako na ‘yung ‘pambubuking’ ni Kim Chiu sa alam niyang relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto, alam naman ng marami. Ewan ko kung ano ang dahilan pero bakit kailangan itago pa nila sa iba kung nagmamahalan sila samantalang wala naman silang sabit pareho. Pinakamahirap sa lahat ay ‘yung tagong relasyon lalo pa at mahal n’yo ang isa’t isa.

So what kung naging controversial noong una, tutal naman tapos na ang lahat, siguro naman kung may nasaktan naka-move on na rin, wala nang dapat itago.

Iyon namang feelings nila ang importante, kung sila talaga ang nagmamahalan, why not? Mas lalo pang matatanggap ng publiko kung aaminin nila, at magiging open sila sa relasyon.

‘Yung pagmamahal dapat ipinagmamalaki, hindi ikinahihiya.

Khalil at Gabbi, bibigyan agad ng teleserye

Bongga rin ang paglipat ni Khalil Ramos sa GMA 7. Ngayon, meron na silang gagawing serye ng girlfriend niyang si Gabbi Garcia.

Kaagad silang iginawa ng istorya dahil nga alam ng management na maraming fans ang magdyowa.

Sana nga ay isama sa cast si Christopher de Leon na hanga sa acting ni Khalil nang mapanood niya ito minsan sa isang show nito sa TV.

Maganda kasi talaga ang kombinasyon nina Khalil at Gabbi dahil complimen­ting ang looks nila, saka bagong putahe rin.

Sana nga maging successful, para na rin madagdagan ang ating mga love­team na pinapanood.

GERALD ANDERSON JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with