Michele, retirado na sa beauty pageants
Michele, retirado na sa beauty pageants
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 31, 2020 - 12:00am

Iyong ini-announce ni Michele Gumabao na siya ay retired na sa mga beauty pageant hindi naman dahil sa pagkadismaya sa kanyang naging “third place” finish sa katatapos na Miss Universe Philippines kundi dahil sa edad niya. Ang feeling niya ito na ang tamang panahon para iwanan na ang ambisyong maging isang international beauty queen. Hindi naman daw siya mukhang dismayado, sabi ni Laila Chikadora ng TV5 na siyang nag-interview sa kanya sa isang post Miss Universe Philippines event na ginanap noong Huwebes.

Kung iisipin, maganda rin naman ang inabot niyang posisyon sa contest. Ngayon nga siguro masasabing natalo siya dahil ang contest nila ay para sa isang international franchise lamang na hawak ng bagong organizer, pero kung iyan ay nasa Binibining Pilipinas Charities pa, na ang isang pageant ay pinagkukunan ng mga isasali sa kung ilang international pageants na hawak nila, tiyak iyon may title pa rin naman siya.

Isa pa, hindi man siya nanalo ay may career na siya. Bago pa man iyan, siya ay isa nang mo­delo at product endorser, at iyon ay dahil naman sa kanyang mga sports activities. Iyong iba nga sigurong kasali riyan, ang hangad ay magkaroon ng career sa pamamagitan ng beauty pageant, eh siya nga may career na.

Sa hitsura ni Michele, at dahil na rin sa kanyang pamilya, hindi rin naman malayong isang araw ay may mag-launch sa kanyang career bilang isang aktres.

Maraming pagkakataon talaga para sa isang kagaya ni Michele kaya siguro ok lang na mag-retire na siya sa mga beauty contests na ganyan. Aywan din naman kung may sasabihin pa nga si Michele sa nakaraang Miss Universe Philippines. Wala naman siyang sinabing hindi maganda. Ang tanging sinabi niya ay noon pa mang sinundang gabi, bago ang announcement ng nanalo ay alam na niya kung sino ang winner, at iyon ang dahilan kung bakit hindi na niya hinintay ang resulta. Isa pa, dalawang linggo na raw nabitin iyong mga trabahong naiwan niya.

Julia, nagpasaring kay Kim?!

Nag-post ng kanyang picture si Julia Barretto sa social media, at ang inilagay niyang caption ay “min­ding my own business.”

Siguro nga nasabi iyon ni Julia dahil nang maging guest si Kim Chiu sa isang noontime show, nagkaroon ng katuwaan kung saan may mga ipina-like sa kanyang pictures ng kanyang ex boyfriend na si Gerald Anderson. Hindi mamimili si Kim, basta binigyan siya ng mga picture numbers na kailangan niyang i-like.

Nagbiro si Kim, na baka naman pagbukas niya ay si Julia Barretto iyon, o kaya si Bea Alonzo. Pero nawalan siya nang kibong bigla nang may magpaalala sa kanyang hindi dapat idamay si Bea.

Pero katuwaan nga lang iyon. Hindi naman sinasadya ni Kim.

Bagyong Rolly, dapat paghandaan

Sana po, mag-ingat na lamang tayong lahat sa pagpasok ng bagyong si Rolly, na isang super typhoon daw at maaaring itaas hanggang signal number 4 ang babala ng bagyo. Kung natatandaan ninyo, ganyan lang kalakas ang typhoon signal noong bagyong Yolanda, at iyong Rolly ay dadaan ng napakalapit sa Metro Manila.

MICHELE GUMABAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with