RK at Jane, laging magkausap nung quarantine
RK at Jane, laging magkausap nung quarantine
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 31, 2020 - 12:00am

Hindi direktang sinagot ni RK Bagatsing kung nagpabawas siya ng talent fee nang kunin siya sa Brightlight Productions series na I Got You sa TV5.

“Enough!” tugon ni RK sa tanong namin sa kanya sa nakaraang Zoom mediacon ng soap.

Kasama ng aktor sa series sina Jane Oineza at Beauty Gonzales. Third time niyang nakasama sa project si Jane kaya naman sanay na sila sa isa’t isa. “Si Jane ang madalas kong kausap nu’ng quarantine. Kaya naman wala na kaming ilangan sa isa’t isa,” sey ni RK.

First time niyang makasama si Beauty at hanga siya sa dedikasyon nito sa trabaho.

Nitong pandemic, nagkaroon ng maraming oras si RK sa kanyang pamilya. Dahil halos maubos din ang pera ngayong pandemya, muli siyang mag-iipon at mag-invest sa negosyo nang sa gayun ay humabang muli ang pisi niya.

Ian, ‘di makalimutan si Joey

Hindi makalimutan ni Ian Veneracion ang natutunan niya kay Joey de Leon nu’ng magsama sila sa sitcom na Joey & Son noong bata pa siya.

“’Yung kalokohan niya at kakakulitan ang hindi ko makalimutan. Nagagamit ko nga minsan ‘yon sa school!” sabi ni Ian sa Zoom mediacon ng sitcom niya sa TV5 na Oh, My Dad.

Refreshing sa aktor ang gumawa ng sitcom at kapag maayos na ang lahat next year, babalikan niya ang pagkanta.

RK BAGATSING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with