Ruffa, sa Pilipinas muna mag-iikot!
Ruffa, sa Pilipinas muna mag-iikot!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 31, 2020 - 12:00am

Smooth sailing daw sa lock-in taping nila ng Stay In Love, ang kilig-serye ng TV5, sabi ni Ruffa Gutierrez. Nang makatsikahan ko kahapon si Ruffa, kung anu-ano lang ang napagkuwentuhan namin.

Nakikibalita lang siya lalo na at kagabi nga ang intimate birthday dinner ng nanay niyang si Annabelle Rama, na siyempre pa ay hindi siya naka-attend.

Siyanga pala, kung noon ay puro travels abroad ang nasa isip ni Ruffa, ngayong COVID-19 pandemic, hindi muna niya iniisip ‘yon. Actually, kahit next year nga, hindi nag-iisip si Ruffa na makakapag-travel abroad siya.

Feeling ko nga ay gusto rin niyang magbago ng desisyon sa panganay niyang si Lorin Gutierrez tungkol sa plano nito na mag-aral sa Los Angeles, California. Kapag kasi sa abroad mag-aaral si Lorin, kailangan siyang ihatid ni Ruffa.

After nga pala ng lock-in taping niya ay saka siya magbibigay ng very intimate birthday dinner for her mom. Siyempre, kasama doon ang mga anak na sina Lorin at Venice. Pupunta rin silang mag-iina sa Boracay Island para makapagbakasyon at mag-bonding.

Bale makakasabay nila sa lugar na ‘yon si Karla Estrada na magse-celebrate rin ng birthday. Bukod sa Boracay Island, may iba pang mga lugar sa Pilipinas na gustong puntahan ni Ruffa at ng kanyang mga anak.

Michele, ‘di sinipot ang show ni Willie

Pagkatapos ng first official function ng Miss Universe Philippines top 5 winners sa Sampaloc, Manila kung saan ay binuksan ang isa sa E-Skwela (educational hub) partnership project ng Frontrow nina RS Francisco at Sam Verzosa at ni Ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong, nagkaroon din sila ng guesting sa Wowowin (Tutok to Win) ni Willie Revillame sa GMA 7.

Nasa Wowowin sina 4th runner-up (Miss Cavite) Kimberly “Billie” Haken­son, 3rd runner-up (Miss Bohol) Pauline Amelinckx, 1st runner-up (Miss Pa­rañaque) Ysabella Ysmael at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (Miss Iloilo City), pero wala si 2nd runner-up (Miss Quezon City) Michele Gumabao.

Nang hanapin naman ni Willie si Michelle, in-explain ng isa sa girls na may previous commitment ito. Actually, sa event pa lang nila sa Sampaloc ay nabanggit na ni Michelle na pagkatapos doon ay may pupuntahan pa siya na may kaugnayan sa isa niyang business.

So, hindi man sumama si Michelle sa iba pang Miss Universe Philippines girls sa show ni Willie ay hindi dapat bigyan ng kulay ‘yon!

Anyway, impressed si Willie sa Miss Universe Philippines girls at ang gagaling daw magsalita ng mga ito. Kasama rin sa guesting na ‘yon sina RS at Sam.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with