^

Pang Movies

Hello Kim... Julia: “Out here minding my own business”

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Hello Kim... Julia: �Out here minding my own business�

Sa kanyang pinakahu­ling Instagram post, may iniwang mensahe si Julia Barretto na ang hinala ng netizens ay patungkol kay Kim Chiu.

Nag-post si Julia ng dalawang larawan niya wearing pink dress habang nasa gitna ng damuhan. Sa caption, she wrote, “out here minding my own business.”

Na ang feeling namin, kulang na lang ay sabihan niya nang diretso si Kim na “mind your own business.”

Mukhang ganito rin ang feeling ng mga netizens dahil ang daming nag-comment na “shade” raw ang post ni Julia.

“The shade of it all. #UNBOTHEREDQUEEN,” ang comment nga ng isang netizen.

Reaksyon naman ng isang follower, “napanood nya ung showtime.”

Sa mga hindi nakapanood ng It’s Showtime last Wednesday, nag-trending si Kim matapos madulas at mabanggit si Julia.

Sa kanyang “funishment” sa segment na Mas Tes­ting kasi ay pina-like sa kanya ang mga Instagram posts ni Gerald Anderson na dati niyang boyfriend.

Out of the blue ay biglang sinabi ni Kim na “tapos, pagbukas mo rito, nandito si Julia Barretto.”

Of course, everybody knows na naging isang malaking issue ang pagkaka-link nina Gerald at Julia dahil ang young actress ang itinuturong third party sa breakup ng aktor at ni Bea Alonzo.

Although paulit-ulit namang itinanggi na nina Gerald at Julia ang tsismis, hanggang ngayon ay marami ang naniniwala na totoo ngang may relasyon o nagkaroon ng relasyon ang dalawa.

Chair Liza, nasa bucketlist na makatrabaho si Ice sa pelikula

Nang maupo si Liza Diño-Seguerra bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), isinakripisyo niya ang kanyang passion sa pag-arte at hindi na tumanggap ng mga pelikula.

“It was a choice to not act in films when I became the head of the FDCP,” aniya sa recent online press conference para sa 4th Pista ng Pelikulang Pilipino, “Kasi, ang dami naming tinutulungang mga film festivals, parang ayoko na pong makulayan ‘di ba, na we are supporting a festival tapos ako po ‘yung artista ru’n.”

She added, “I would say, it was part of the sacrifice, kasi po ‘yung puso ko po ngayon talaga, it’s still on how I can become the best leader of this agency.”

‘Pag natapos na ang termino niya ay open naman si Liza na bumalik sa pag-arte at matagal na nga raw niyang dream na makatrabaho ang kanyang mister na si Ice Seguerra na as we all know ay mahusay ding artista. “Kung meron po akong bucket list, sana, maka-arte ako sa isang pelikula kasama si Ice,” aniya.

Samantala, parang kailan lang nang simulan ng FDCP ang Pista ng Pelikulang Pilipino at ngayon ay nasa ika-apat na taon na ito. At dahil nga nasa pan­demya tayo ay sa online lahat mapapanood ang mga pelikulang kasama sa festival at hindi lang ang mga entries sa PPP4 ang mapapanood kundi marami pa.

Mas maraming mapapanood ang subscribers dahil may idadagdag na pelikula sa peak hours at weekends, at matututo rin sila tungkol sa filmmaking at pelikulang Pilipino mula sa industry experts sa pamamagitan ng events gaya ng talkback sessions, panel sessions at masterclasses.

Ang online PPP ngayong taon ay magkakaroon ng mixed format sa FDCP Channel platform (fdcpchannel.ph). Ang libreng video-on-demand (VOD) ­streaming ay para sa 80 na short films at para sa isang full-length feature: ang restored version ng Anak Dalita ni National Artist for Theater and Film Lamberto V. Avellana.

Ang libreng VOD streaming ay available ngayong Oktubre 31 hanggang Disyembre 13.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with