Matatandang tuloy ang trabaho, nakakabilib ang ugali!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

Napaka-hopeful ‘pag may nakikita kang construction na ginagawa sa mga daan na napupuntahan mo. Iyon bang pag may nakita kang maraming construction workers na nagtratrabaho, at tuloy ang pagpapatayo ng mga bahay at buildings, isali mo pa ang tuluy-tuloy construction na nakikita natin sa kalye.

Hopeful in the sense na alam mo na maraming tao ang nakikinabang sa mga ginagawang gusali, bahay at daan. Kahit paano maiisip mong kabawasan ito sa bilang ng mga nawalan ng trabaho.

Hanga talaga ako sa mga matatandang laborers na nakikita ko, ‘yung alam mo na kahit nahihirapan, nagwo-work pa rin at hindi umaasa sa iaabot sa kanila, iyon sigurong wala kang maririnig na complaint sa kanila, basta tuloy ang buhay sa sipag at tiyaga.

Saludo ako sa kanila na nabubuhay nang marangal at merong paninindigan.

Fans ni Kris, hindi bumibitaw

‘Yung excitement sa mga balita na magkakaroon na naman ng programa si Kris Aquino, parang lumalakas everyday. Usap-usapan na this time totoo na at wala nang makakapigil sa nababalitang pagbabalik sa harap ng kamera ni Kris.

Exciting dahil this time, handang-handa siya physically at emotionally.

‘Yung nakita kong pagtahimik ni Kris pagkatapos na hindi pagkatuloy ng unang balak na show, nakita ko na ang maturity niya sa pagharap sa problema.

Alam na niya when to stop talking at be quiet. Now, alam mo na merong mangyayari dahil may mga involve na malalaking produkto.

‘Yung Shopee niyang nakagulat sa marami dahil bigla na lang lumabas. Meron pa rin siyang isang big commercial coming out next month na sa tingin ko mas malaki pa sa nauna niyang ginawa.

Slowly, heto siya at muling nagbibigay-buhay sa pag-asa ng kanyang fans na nakita ko na solid sa kanya at very fierce sa pagtatanggol kay Kris Aquino.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with