Bela at Lovi sabay magiging busy
Bela
Bela at Lovi sabay magiging busy
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

‘Yung The House Maid naman daw na Pinoy adaptation ng Korean movie with the same title at pagbibidahan nina Kylie Verzosa at Albert Martinez lang daw muna ang tuloy ang shooting.

Ang ibang projects daw ng Viva, next year na raw magsu-shoot dahil nga sa COVID-19 pandemic.

So, pati pala ‘yung movie nina Lovi Poe at Joem Bascon, next year na. Eh, si Lovi naman, mukhang mabi-busy sa GMA 7 romantic-comedy series niya with Benjamin Alves, ‘yung Owe My Love.

Anyway, may naitsika rin ang Viva Films-insider na kausap ko na baka after Christmas ay mag-start ang shooting ng pelikulang pamamahalaan daw ni Bela Padilla. Yes, si Bela raw ang direktor ng project na ‘yon.

Ang bongga!

Praybeyt..., may official statement sa pag-ayaw sa MMFF

Isa ang Praybeyt Benjamin 3 sa first four official movie entries na in-announce para sa Metro Manila Film Festival 2020 (na magiging online raw muna). Pero mukhang mawawala sa listahan ang movie franchise na ito na pinagbibidahan ni Vice Ganda.

Isang Viva Films insider ang inusisa ko kahapon kung kumusta na ang shooting ng pelikulang ‘yon ni Vice, pero wala raw ganap.

Official announcement na lang ba ang hihintayin para sa pag-back out ng pelikulang ‘yon sa MMFF 2020?

So, like in 2016 na hindi pumasok sa Metro Manila Film Festival ang Super Parental Guardians movie nila ni Coco Martin, ngayon lang uli mawawalan ng official entry sa MMFF si Vice?

Well…

Empleyado ng Viva, napuri si Boss Vic

Puring-puri rin ng Viva Films insider na nakatsikahan ko ang big boss nila, si Vic del Rosario. Kahit daw matagal na walang ganap sa Viva dahil sa lockdown, hindi naman daw binawasan ni Boss Vic ng suweldo ang regular employees ng kanyang kum­panya. “Puwedeng magbawas si Boss Vic at mauunawaan namin ‘yon, pero hindi niya ginawa!” sabi ng katsikahan ko.

Kahit ngayon nga na hindi sila araw-araw pumapasok, complete pa rin daw ang suweldo nila.  

Well, nakakatuwa naman talaga si Boss Vic, ‘di ba, Ateng Salve? ‘Yun na!

KYLIE VERZOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with