Nadulas ang bibig⦠Kim, binuko sina Gerald at Julia
Kim
Nadulas ang bibig… Kim, binuko sina Gerald at Julia
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

Ang daming naaaliw kay Kim Chiu sa It’s Showtime last Wednesday kung saan ay pinusuan niya ang 5 Instagram pictures ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Si Kim kasi ang tumayong Tumpak Tracer sa Mass Testing segment that day kung saan ay may “funishment” siyang kailangang harapin kapag nagkamali.

Ang cute ng pinakahuling ‘funishment’ sa aktres kung saan ay nautusan siyang i-like ang limang IG posts ni Gerald. Of course, ikinagulat ito ng aktres at sobrang cute rin ng kanyang mga reaksyon. “Huy, baket?” ang unang sambit ni Kim nang malaman niya ang ‘funishment.’ “It’s just a game,” natatawa namang sagot ni Vice Ganda. “Bakit? ‘Di ko nga pina-follow ‘yun,” sey ni Kim sabay-tawa.

Pagkatapos ay binati niya ang kanyang boyfriend na si Xian Lim at tila nagpapaliwanag. “Hi Xi, nano­nood ka ngayon. Xi, this is just a game,” natatawang sabi ni Kim.

Habang hinahanap niya ang IG page ni Gerald, hirit ni Kim, “bakit n’yo naman isasali ‘yung taong ‘to, nananahimik na kami, ah. Isang dekada na ang nakalipas.”

Muli ay nagpaliwanag si Kim kay Xian. “Xi, alam mo naman ang totoo.”

Maya-maya ay tila si Gerald naman ang binigyan niya ng mensahe. “Ano, kung nanonood ka man ngayon, ito ay sadyang katuwaan lamang,” ani Kim.

At hayun na nga, isa-isa nang ni-like ni Kim ang 5 pictures ni Gerald na talagang ikino-close-up ng came­ra at kitang-kita naman talaga na pinupusuan niya.

Ang pinaka-nakakalokang parte, biglang nag-comment si Kim na, “tapos, pagbukas mo dito, nandito si Julia Barretto!” sabay-tawa.

Nagsigawan ang mga tao sa studio at tanong pa ni Kim, “ay bawal ba?” at pagkatapos ay sumenyas ng peace sign.

Hirit pa ulit niya, “ay, si Bea Alonzo pala.”

Hahaha! Pagtatanggol naman ni Vice, “wala naman siyang sinabing masama.”

Nang matapos nang pusuan ni Kim ang 5 photos ni Gerald, humirit na naman ang aktres. “Baka mag-away pa kami ni Xi. Xi, biro lang ‘to,” paliwanag na naman niyang natatawa.

Sey naman ni Vice, “Xian ha, joke lang ‘to. Wala siyang kinalaman dito. Showtime ‘to. Sa ‘min ‘to, Xian, sa ‘min ‘to.”

Pinasalamatan din ni Vice Ganda si Kim for being such a good sport.

Anyway, ang pagsalang ni Kim bilang Tumpak Tracer sa Mass Testing ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo ng It’s Showtime. Pagkatapos ni Chinita Princess ay si Vice Ganda naman ang sasalang ngayong Friday.

Bukas, ay magaganap naman ang pinaka­aabangang taunang Magpasikat competition tampok ang sari-saring pasabog ng apat na teams kabilang na ang pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda at Kim, samantalang magkakagrupo naman sina Vhong Na­varro, Amy Perez, at Jackie Gonzaga.

Magiging magkakampi namang muli sina Karylle at Jhong Hilario kasama si Ion Perez, at tatak-Jugs and Teddy rin ang handog na performance ng tandem kasama si Ryan Bang.

Napapanood ang It’s Showtime sa A2Z channel 11 analog TV, na available sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Mapapanood din ito sa cable at satellite TV providers sa Kapamilya Channel (SKY channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association, Inc.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with