^

Pang Movies

Sharon, Inilantad ang mga mamahaling bag

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tinupad na ni Megastar Sharon Cuneta ang requests ng kanyang mga Sharonians at mga subscriber na i-feature naman niya sa kanyang vlog sa Sharon Cuneta Network, na she titled My Bag Collection. Inamin ni Sharon na na-accummulate daw niya iyon simula pa nang magtrabaho siya, pero ilan lamang ang dinala niya para ipakita, iyon lamang mga paborito niya, na lahat ay inisa-isa niya ang story ng bawat bag na binili niya, na makikita mo naman talaga na mga naiiba ang shape, sizes at color ng bawat isa.

Naging senti si Mega nang ang huli niyang ipinakita ay ang red Louis Vuitton bag na naiwan sa kanya ng inang ni Mommy Elaine bago ito pumanaw, na naroon pa raw ang laman nito, hindi niya inaalis hanggang sa ngayon.  Advice lamang ni Sharon sa mga nanood ng vlog niya, na bumili lamang sila ng mamahaling bagay na talagang kailangan nila, mas maglaan ng pera sa needs nila, lalo ngayong panahong ito.

Ipamamana ni Sharon ang mga handbags niya sa mga anak niyang sina KC, Frankie, Miel at sa magiging daughter-in-law raw niya sa anak niyang si Miguel.

Tekla, babawiin ang anak

Matapos lumabas ang totoo sa gusot sa pagitan ng magka-live in na sina Super Tekla (Romeo Librada) at Michelle Bana-ag, mas pinanigan ng netizens si Super Tekla at si Michelle ang tumanggap ng maaanghang na bashings mula sa kanila.

Kahit si broadcaster Raffy Tulfo ng TV5, ay pumanig na kay Super Tekla, nang malaman niya ang totoo, at ngayon ay gusto na niyang tulungan ang comedian na mabawi ang anak nito kay Michelle. Tutulungan daw niyang makuha ni Super Tekla ang anak nitong si Baby Angelo at makuha nito ang custody mula kay Michelle.

Maraming pumuri kay Super Tekla nang makiusap pa siya na huwag nang i-bash si Michelle ng mga netizen dahil mas pinili raw niyang magpatawad kaysa husgahan ang dating ka-live in. Gusto na nga lamang niyang makuha si Baby Angelo.  May 10-year-old daughter din si Super Tekla sa una niyang karelasyon pero nagkahiwalay din sila noong five years old pa lamang si Aira.

Napapanood si Super Tekla every Sunday, kasama si Boobay sa mga new episodes na ng The Boobay & Super Tekla Show, after ng Kapuso Mo Jessica Soho.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with