Oh My... at Lunch... baby ng Brightlight
Oh My... at Lunch... baby ng Brightlight
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 29, 2020 - 12:00am

Dalawang shows ng TV5 at Brightlight Productions ni Papa Albee Benitez ang parang napakaganda ng reception sa viewers. ‘Yung Oh My Dad! nina Ian Veneracion at Dimples Romana at Lunch Out Loud ng grupo ni Billy Crawford.

Cute na cute raw ang tambalan nina Ian at Dimples sa comedy, at ang husay daw ng hosting ni Billy.

‘Yung take off nila mula noong launching hanggang ngayon nandun pa rin ang excitement. Talagang pet project ni Pat-P Daza ang dalawang programa dahil naiiba ang latag at kitang-kita niya ang energy ng mga taong involved sa program.

Maganda ang team up nina Billy at Bayani Agbayani, ‘yung palitan nila ng jokes nang walang sablay. Sina Ian at Dimples naiiba dahil hindi na lang dramatic prowess nila ang ipinapakita, pati na ang comic timing nila sa Oh my Dad!

Sana nga tangkiliking mabuti ang dalawang new programs ng TV5 para lagi nang marinig ang malulutong na halakhak ni Pat-P at hindi na laging nakakunot ang kanyang noo, hah hah joke joke.

Teacher na viewer ng TIPMMG, namigay ng pagkain

Natuwa naman ako sa isang teacher sa Sta. Maria, Bulacan na talagang follower ng Take It… Per Minute Me Ganun at IG account ko.

Kasi imagine, nabasa lang niya na nag-aabang tayo tuwing Tuesday ng mga bigay na foodie sa atin, talagang bumiyahe siya para pumunta ng Obra ni Nanay at nagdala ng napakaraming ulam na ang sasarap. Si Obet ng Sta. Maria School na talagang tawa raw nang tawa ‘pag nanonood sa atin, lalo na ‘pag may mga issue na katatawanan.

Itong Martes na ito ang daming mga pagkaing dumating plus ‘yung nanggaling pa sa secret supermarket ni Cristy Fermin. Balak ko na ngang apihin si Mr. Fu na ang sana’y ibibigay sa atin na yema hopia ay pinagtaguan na siya ng may-ari, at isang nangako sa kanya na bibigyan siya ng Nars cosmetic na hanggang ngayon hindi pa ipinadadala sa kanya, baka balak siyang bigyan ng isang tunay na nurse na lang, hah hah, kaloka. 

Ewan ko, siguro talagang good vibes ang araw ng Martes.

TV5
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with