Max, nagturo kung paano gumawa ng placenta smoothie
Max, nagturo kung paano gumawa ng placenta smoothie
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 29, 2020 - 12:00am

Maraming mommies ang nagkaroon ng interes na uminom ng placenta smoothie dahil sa rekomendasyon ng Kapuso actress na si Max Collins.

Noong unang pinost ni Max ang pag-inom niya ng placenta smoothie, mixed reactions ang natanggap niya mula sa netizens. May mga curious at meron namang parang nandiri.

Pero in-assure ni Max na healthy inumin ng breast-feeding moms ang placenta smoothie dahil masustansya ito para sa babies lalo na sa anak nila ni Pancho Magno na si Baby Skye Anakin.

Maraming Hollywood celebrities na mommies ang umiinom ng placenta smoothie dahil nakaka-prevent daw ito ng postpartum depression, reduce postpartum bleeding, improve mood, energy and milk supply and provide important micronutrients, tulad ng iron.

Kaya sa kanyang YouTube vlog, pinakita ni Max ang paggawa ng placenta smoothie kasama ang kanyang doula na si Irina Otmakhova.

“I know you’ve been asking for it so here it is: the secret recipe behind my yummy placenta smoothie,” sey ni Max.

Dalawang placenta smoothie recipes ang shinare ng aktres sa kaniyang subscribers at kinuwento na rin niya sa video ang kung paano siya natutulungan ng experience na ito.

Lovely at Benj, itutuloy na ang kasal

Kinasal na ba sina Lovely Abella at ang kanyang fiance na si Benj Manalo?

Sa recent guesting nina Lovely at Benj sa programang Tunay na Buhay, may mga pagbabago na raw sa wedding plans nila sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Na-engage ang dalawa noong June 2019. Original plan nilang magpakasal sa January 2021. Pero dahil sa mga nagaganap sa mundo ngayon, nag-decide silang agahan ang pagpapakasal.

Ayon kay Lovely, nakaplano na ang civil wedding nila ni Benj ngayong October. “Nu’ng dahil din po sa experience ko po doon sa
aking COVID journey, ‘yun po ‘yung na-realize ko, at saka siya (Benj) po ‘yung nagsabi na, ‘Tara, babe. Magpakasal na tayo, kahit
civil lang.’ Kaya baka po this October po namin itutuloy,” sey ni Lovely.

Five years na nagsama ang dalawa bago sila na-engage.

“Siya yung naging balancing factor ng pagiging seryoso ko. Parang simula nang makilala ko siya I’ve been in the happiest ever sa buhay ko. So, knowing that I’m just really thankful and hindi ko siya kayang mawala sa’kin,” sey ni Benj.

Si Benj ay isa sa mga anak ng Eat Bulaga Dabarkads na si Jose Manalo. Noon pa man ay daddy na ang tawag ni Lovely kay Jose.

The Voice coaches Blake Shelton at Gwen Stefani, engaged na!

Engaged na ang singers at The Voice coaches na sina Blake Shelton and Gwen Stefani.

Naging Instagram official ang engagement ng dalawa na naganap sa Oklahoma.

“@blakeshelton yes please! gx,” caption ni Gwen Stefani. Caption naman ni Blake: “Hey @gwenstefani thanks for saving my 2020... And the rest of my life. I love you. I heard a YES!”

Unang nagkakilala sina Gwen at Blake sa set ng The Voice in 2015. Nataon na pareho silang dumaan sa pakikipag-divorce sa kanilang partners.

Twice married and divorced si Shelton sa ex-wives na sina Kaynette William and Miranda Lambert. Si Gwen naman ay divorced sa ex-husband na si Gavin Rossdale kung kanino meron siyang tatlong anak na si Kingston, Zuma and Apollo.

MAX COLLINS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with