_pang-masa
^

Pang Movies

Palilipasin muna ang COVID-19 Megan, ayaw pang magserye

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Palilipasin muna ang COVID-19 Megan, ayaw pang magserye

Si Megan Young lang pala ang nag-beg off sa cast ng Legal Wives for safety reasons daw dahil nga may COVID-19 pa rin. Si Alice Dixson, kasama pa rin sa cast, hindi lang nakasama sa Zoom storycon, kaya akala’y napalitan ni Cherie Gil.

Ang asawang si Mikael Daez muna ang hahayaan ni Megan na mag-taping para sa  Love of My Life at kung nasunod ang nabanggit ni Rhian Ramos na schedule ng kanilang lock-in taping, nakapag-taping na ang cast.

At least, hindi pa nakakapagsimula ang taping ng Legal Wives, hindi pa nakagastos ang GMA 7 at mabilis na napalitan si Megan. Kagaya niyang Morena rin si Andrea Torres na ipinalit sa karakter na gagampanan sana ni Megan na second wife ng karakter ni Dennis Trillo sa teleserye.

Hindi rin naman mababakante si Megan kahit umatras sa Legal Wives dahil may podcast sila ni Mikael at gamer din ang Kapuso aktres.

Kapamilya stars, suportado ang Gabriela

Ang daming Kapamilya stars ang nagpakita ng suporta sa Gabriela Women’s Party at bumati ng 20th anniversary sa Gabriela, ito ay sa kabila ng red-tagging na nangyayari.

Nakita namin ang mga litrato nina Lorna Tolentino, Vice Ganda, Agot Isidro, Rowell Santiago, Angel Locsin, Yassi Pressman, Karylle, John Arcilla, Lotlot de Leon, Karla Estrada, Jolina Magdangal. Cherry Pie Picache, Melai Cantiveros, Amy Perez, Janice de Belen, Dimples Romana, Sue Ramirez, at Tirso Cruz III.

Wala namang masama sa ginawa ng mga nabanggit na batiin ng anniversary ang Gabriela at walang susunod na red-tagging dito.

Marco, nanggigil sa pagiging pasaway ng mga kababayang Italyano

Ang post ni Marco Gallo sa Instagram Story niya na “People screaming “liberta” which is “freedom” you stupid people. Can’t even fckin follow some simples rules for the safety of everybody. Coome in the Philippines and do that I bet duterte won’t even care and shoot y all.”

Ang tinutukoy ni Marco ay ang nangyaya-ring  kaguluhan sa Italy dahil sa protesta ng mga Italyano na inirereklamo ang diumano’y sobrang pag-hihigpit ng gobyerno para ma-curve ang pagkalat ng COVID-19. Ayaw ng mga Italyano ng 6 p.m. curfew at pagsasara ng restaurants, malls, cinemas at iba pang public places, kaya sila’y nagpoprotesta.

Wala pa namang taga-gobyerno na nagreklamo sa post na ito ni Marco, sabagay, netizens pa lang ang nakabasa. Wala naman sigurong harm sa post na ito, kaya comment ng ibang netizens, ituloy lang.

Tekla, nakuha ang netizens

Natuwa para kay Tekla ang netizens sa balitang binawi ni Raffy Tulfo ang mga ipinangako nitong tulong sa former live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag. Lahat ng tulong na ipinangako ni Raffy pati ang pustiso ni Michelle ay kanyang binawi.

Ang pinag-ugatan ng pagbawi ni Raffy sa mga ipinangakong tulong kay Michelle ay ang pag-urong sulong nito sa drug test na buhok ang gagamitin. Pi­nayuhan daw kasi si Michelle ng tita niya na makakasama sa kanya na four months palang nakapanganak kung gagalawin ang kanyang buhok.

‘Yun pala, hindi bubunutan ng buhok si Michelle, gugupit lang ng 100 strands.

Baka nga ang mangyari pa, ibigay kay Tekla ang pag-aalaga kay Baby Angelo, ang baby boy nila ni Michelle. Umaasa ang fans at supporters ni Tekla na sa nangyari, hindi na nito balikan si Michelle. Susustentuhan na lang daw ni Tekla ang anak nila ni Michelle, pero ‘wag na niyang babalikan.

MEGAN YOUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with