Mga OFW, laging naghihintay sa Take It...
Mga OFW, laging naghihintay sa Take It...
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

Tuesday na naman kahapon Salve at napanood na naman nila ang ating Take It… Per Minute Me Ganun sa Facebook at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

Nagkita-kita na naman tayo nina Cristy Fermin, Mr. Fu at ang angels nating sina Japs Gersin, Tina Roa, PJ at Richie sa Obra ni Nanay.

One happy tanghali na naman ng tawanan at tsismisan sa mga nagaganap sa ating paligid.

Marami na naman tayong napasayang OFW dahil sa shoutout natin sa mga pabati nila.

At nakakatuwa na every Tuesday, naglu-look forward tayo sa mga ipinapadala sa ating goodies na pagkain na para tayong mga bata na naghahatian, hah hah.

Naku, kaya ang taas ng energy ko every Tuesday eh, dahil sa TIPMMG.

Please ha, watch n’yo every Tuesday sa Facebook at YouTube, 12 to 1 ng hapon ang TIPMMG. 

TV5 at A2Z, napapansin na

I am sure by now, medyo sanay na rin ang tao na nanonood sa maraming shows ng TV5. Noon kasi siyempre akala nila basketball at balita lang ang napapanood dito, pero ngayon na pumasok na sina Papa Tony Tuviera at Albee Benitez, pati na ang dagdag ng Viva TV, halos punung-puno na ang programming ng TV5.

Marami ka nang pamimilian na shows, lahat ng genre at lahat ng gusto mo. Pati radio nila ay in fighting form, kaya siguro by now, marami na rin ang nasasanay na lumipat sa channel ng TV5, gaya na lang ngayon, marami na rin ang nanonood sa Zoe Network or A2Z ng Kapamilya.

Sana nga tulad ng captive audience noon ng Channel 2 at GMA 7, magkaroon din ng audience share ang TV5 at Zoe Network. Spread it out, lahat tingnan natin, bigyan natin ng chance para madagdagan pa ang shows na mapapanood natin.

TAKE IT… PER MINUTE!
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with