Large concert, malabo pa rin ang kapalaran!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, kahit wala pa talagang kasiguraduhan ang concert scene dahil nga sa COVID-19 pandemic, may ilang singers and bands na rin ang nag-announce ng performances na gagawin nila next year, huh!

Ang veteran international singer na si Debby Harry at ang kanyang bandang Blondie, may announcement na para sa United Kingdom tour nila sa November next year. Bale 10 shows ang gagawin nila at inilabas na rin ang tickets para sa mga ‘yon.

Dito naman sa atin, tahimik pa ang ilang concert producers na kilala ko. Si Anna Puno ng Starmedia Entertainment, Inc. na napakaraming local concerts at US at Canada concert tour in the past, ayaw raw munang isipin ang tungkol sa mga ipo-produce na concerts in the future. “Parang sa lahat kasi, ‘yung concert ang last na mangyayari. Hindi pa nga sure ang mga sinehan, kaya ‘yung concert, hindi pa rin sure. Ayoko munang mag-isip hanggang matapos ang Christmas. Kasi kung magpaplano na kami ngayon pa lang, ‘tapos hindi naman matutuloy, sayang naman. Mag-uusap kami ng tungkol sa concert, next year na. Kapag ok na. Ngayon naman kasi, takot pa rin ang mga tao,” sabi ni Anna.

May ilang shows nga raw siya sa ilang mga casino ang hindi pa rin daw malinaw kung kailan mare-reschedule. Ni hindi pa rin daw siya kinakausap tungkol sa rescheduling ng mga ‘yon. “Buti na nga lang ‘yung restaurant ko na Doon Thai, ok naman. Marami kaming take outs. May mga nagda-dine-in pa rin naman, pero hindi katulad noon na marami talaga. Marami pa rin ang natatakot dahil sa COVID-19,” sabi ng kilalang concert producer.

Feeling ko nga, Ateng Salve, marami pa rin na online lang talaga magko-concert. ‘Yung Apollo online concert din naman ni Daniel Padilla ay maganda ang kinalabasan at maraming bumiling digital tickets, kaya ‘yun na siguro talaga ang trend ngayon.

‘Yung kay Alden Richards nga na virtual concert on December 8 para sa kanyang 10th anniversary in showbiz ay mabenta raw ang benta ng digital tickets, huh!

So, kung successful naman ang mga ganoon, baka marami pang ibang magsunuran!

Sunshine, binuko ang masamang karanasan sa katrabaho

Maraming nagulantang sa post ni Sunshine Cruz sa Facebook tungkol sa isang nakatrabaho niya na may bad experience siya. Hindi lang daw kasi once na nangyari ‘yon, pero twice pa.

Pero nang i-message ko si Sunshine tungkol doon, sinabi niyang private post lang ang tungkol doon. For friends and family lang daw, ayaw na raw niyang  “pasikatin” pa ang taong ‘yon. “Warning lang, para magtanda,” sabi niya.

Not worth it nga raw na pangalanan pa ang taong ‘yon.

Sa tingin ko naman, hindi celebrity na nakatrabaho niya ang tinutukoy ni Sunshine sa post na ‘yon. Mukhang isang taga-production o glam team niya.

Pero ayaw na nga niyang palakihin, kaya huwag na!

Good vibes na lang, ‘di ba, Ateng  Salve? ‘Yun na!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with