Miss Taguig, nag-iipon pa ng lakas para sa ‘pasabog’
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

Inaabangan pa rin ng lahat ang “pasabog” ni Miss Taguig Sandra Lemonon hinggil sa katatapos lamang na Miss Universe Philippines kung saan nga ay isa siya sa kandidata.

Pero sa kanyang bagong post sa Instagram Story last Monday, sinabi niyang nag-iipon pa raw siya ng lakas ng loob para magsalita. “I am gathering all my strength to speak UP And share the truth. All I want is for us to improve for the next batch of ladies who will be in our shoes & I do not want them to face what we did. Because we can do better & deserve better,” ang pahayag ni Sandra.

Matatandaang si Rabiya Mateo ng Iloilo ang nag-uwi ng korona sa Miss Universe PH and right after the coronation night ay naglabas na agad si Sandra sa kanyang IG ng intriguing statements about the pageant at nagbanta na may big news siyang iaanunsyo.

Well, mukhang napakalaki nga ng rebelasyon ni Sandra dahil kinakailangan pa talaga niyang mag-ipon ng lakas ng loob to speak up.

Sanya, payag makipag-intimate kay Gabby

Walang kiyemeng inamin ni Sanya Lopez na okay sa kanya sakali mang magkaroon sila ng intimate scene ni Gabby Concepcion na leading man niya sa bagong serye na First Yaya ng GMA 7.

“Ako naman I always do my best eh kung ano man ‘yung trabahong ibi­nibigay sa akin. And if ever na bigyan ako ng mga intimate scene with him, feeling ko kakayanin ko naman ‘yun dahil ‘yun nga, once binigyan ako ng trabaho, ginagawa ko ‘yung best ko sa trabahong ibinigay sa akin,” ani Sanya sa panayam ng GMA 7.

First time na makakapareha ni Sanya si Gabby at kahit hindi pa sila nagmi-meet nang personal, aminado ang aktres na kinikilig na siya sa pagsasama nila ng aktor.

Sa susunod na buwan ay sasabak na ang cast ng First Yaya sa kanilang lock-in taping.

MISS UNIVERSE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with