Janella hanggang boses lang sa post ni Jenine
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

Nag-post si international stage actress-singer na si Jenine Desiderio ng Instagram video niya, habang masaya siyang namimitas ng red apple sa backyard ng bahay kung saan sila nagbabakasyon sa United Kingdom, kasama ang anak na si Russel. Sumunod sila sa anak na si Janella Salvador at doon sila nakatira sa bahay ni Markus Paterson at ng ama nito.  Si Markus ang boyfriend ni Janella.

Last September pa dumating si Jenine sa UK, pero hindi pa niya ipinakikita sa mga IG post niya na kasama niya si Janella, kahit kasama niya si Markus at ama nito. Last September 27, doon siya nag-celebrate ng kanyang birthday at nagpasalamat si Jenine kina Markus at ama nito, pero nowhere si Janella. Balita kasing preggy o nagsilang na ba si Janella ng baby nila ni Markus?

Habang namimitas ng apple si Jenine, may voice over na ‘mahal ang bayad sa mga apple pickers dito, pound, hindi peso.’ Si Janella ba iyon?

Ikinuwento rin ni Jenine, pagkatapos daw niyang mamitas ng apple, gagawa siya ng apple pie. Marami pa siyang ibang fruits na ipinost sa IG tulad ng strawberry na from the garden, diretso raw sa table, at  mulberries and blueberries na just grow wildly everywhere doon.

Kailan kaya magpu-post si Jenine na kasama na niya si Janella?

Michael V. at Dawn, pasok sa PPP

Sa Saturday, October 31, simula na ng 2020 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Isa sa entries sa festival ay ang Family History a production venture by GMA Pictures at Mic Test Entertainment, Inc. ni Michael V. at ito rin ang directorial debut ng award-winning comedian at content creator.

Naipalabas na ang Family History last year at umani ito ng magagandang reviews.  Tampok sina Michael V. at Dawn Zulueta bilang mag-asawang Alex at May, na sa simula ay happily married couple ang image nila. Pero unti-unti ay makikita ang mga problema sa relasyon nila, lalo nang malaman nilang may cancer si May. 

Kasama rin sa cast sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Magaganap ang online festival sa website ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) hanggang sa November 15.  Magkakaroon dito ng apat na virtual cinemas na may scheduled screenings ng iba’t ibang pelikulang ipalalabas.  Para sa karagdagang details, bisitahin ang FDCPChannel.ph.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with