Heart, nilinaw na ‘made by God’ ang mukha
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

Nilinaw ni Heart Evangelista na wala siyang pinaretoke sa kanyang mukha at “made by God” daw ang lahat ng parts ng kanyang face.

Tinanong kasi ang aktres ng isang netizen sa kanyang Instagram kung nagpa-plastic surgery na ba siya kaya naman sinagot niya ito. “Never done anything to my face. My eyes and nose etc were made by God. I swear,” sagot ni Heart.

Aniya ay nothing against naman daw siya plastic surgery pero ang hindi niya gusto ay ang iniisip ng iba na nagsisinungaling siya kapag sinasabi niyang hindi siya nagparetoke. “I have nothing against it in fact am for it if ikagaganda mo. I just hate the idea that some people think I’m lying,” aniya.

May netizen naman na tila naiinggit dahil marami siyang sponsors ng makeup. Komento nito “you’re so lucky u have many sponsors of make ups hays so sad.”

Sagot naman ni Heart, “I’ve been working for 24 years. . .madami na ako pinag­daanan na hirap. . .that’s why I’m also grateful that I get a lot of gifts – wasn’t easy to get here. Your time will come.”

Rabiya, emosyonal sa pagtatanggol sa sarili

Naging emosyonal ang newly-crowned Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo (Miss Iloilo) habang ipinapaliwanag ang sarili laban sa mga akusasyong ibinabato sa kanya kaugnay ng kanyang pagkapanalo.

Sa panayam ni MJ Marfori ng TV5 kay Rabiya last Sunday night, sinabi ng beauty queen na masakit para sa kanya ang mga naturang akusasyon.

“To be honest po, maybe I wasn’t a frontrunner so people didn’t expect me to win and now that I have the crown...” pahayag ni Rabiya na hindi na napigilang maging emosyonal. “I’m sorry I’m being emotional. They’re questioning my capability as a person, as a candidate… but I know that I did everything and anything that I could during that night and ibinigay ko talaga,” she said.

In-address din niya ang issue na ibinigay umano sa kanya beforehand ang question kaya nasagot niya nang maganda. “And yung mga nagsasabi na the question was given to me that’s why I answered that way, it wasn’t given po sa akin. I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud,” aniya.

“Of course it was painful because there are things na you can settle by talking with each other. At the end of the day, this is a competition and being the bigger person in the picture, I need to understand where they are coming from,” dagdag pa ni Rabiya.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with