KC, tinawag na awkward host!
KC, tinawag na awkward host!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

Binash si KC Montero dahil akala ng ibang netizens, binastos niya si Miss Bohol Pauline Amelinckx dahil sa exchange of convo nilang dalawa sa coronation ng 2020 Miss Universe Philippines. Pinagso-sorry si KC kay Miss Bohol dahil sa ginawa raw niyang pambabastos at panghihiya rito.

May tumawag pa kay KC na “big liar” and awkward host at ‘wag na raw siyang mag-host pa ng Miss Universe Philippines. May nagbanta pa kay KC na ‘wag pupunta ng Bohol at aliw ang reaction ng isang netizen sa tanong sa nagbanta kung siya ba ang may-ari ng Bohol?

Wala lang panama ang bashers ni KC sa wife niyang si Stephanie Dods na sinagot ang isang basher ni KC ng “this “insensitive host” happens to be my husband, so it directly involves me and my life. Do you even know why your mad?” at “Do you even know Pauline personally? No? Okay then you need to stop. Because KC has personally spoken to her on the matter and everything is fine.”

Napahiya siguro ang mga nagalit kay KC nang mag-post si Pauline at sinegundahan ang ipinaliwanag ni KC na na-cut short ang small talk nila onstage at lumabas na binastos siya ni KC.

Anyway, sa December na pala manganganak si Stephanie  ng first baby nila ni KC at ang pretty na buntis ni Stephanie at maliit ang baby bump niya.

Pia, nag-congratulate kay Rabiya

May pinost si Jonas Gaffud na photo niya kasama ang winners ng 2020 Miss Universe Philippines. Magkakasama ang five winners pati si Michele Gumabao, hindi lang malinaw kung before or after the pageant ang photo op na ‘yun dahil hindi ba sabi ni Michele, hindi na siya sumama sa viewing party at umalis na sa Baguio Country Club, kung saan ginanap ang Miss Universe Philippines.

Naka-off lang ang comment box ng Instagram ni Jonas kaya walang makapag-comment, lalo na ang mga gustong sumali sa ingay ng katatapos lang na beauty pageant.

Samantala, sa IG Story ni 2020 Miss Universe Rabiya Mateo, naka-post ang pagko-congratulate kay Rabiya ni Pia Wurtzbach at sabi nito, “Congratulations to our new winner Ms. Iloilo @rabiyamateo.”

Kabilang sina Paolo Ballesteros, Kate Valdez at Yasmien Kurdi sa nag-congratulate kay Rabiya sa kanyang pananalo.

Bianca, aasawahin si Dennis

Mukhang nagkaroon nang pagbabago ang cast ng Legal Wives, isa sa bagong teleserye ng GMA 7 dahil sa nasilip naming storycon via Zoom, wala sina Alice Dixson at Megan Young. Ang kasama sa storycon ay sina Cherie Gil at Andrea Torres na hindi nabanggit ang mga pangalan sa unang storycon.

Walang binanggit kung totally out na sina Alice at Megan, pero wala sila sa storycon. Nasa Zoom storycon din si Cong. Alfred Vargas na ibig sabihin, kasama na rin siya sa cast. Kasama na rin si Irma Adlawan and of course, si Bianca Umali na gaganap na isa sa asawa ng karakter ni Dennis Trillo.

Another challenging and controversial role na naman ito for Dennis kung saan ang karakter niya ay mayroong tatlong asawa na iba’t iba ang edad at ang karakter ni Bianca ang pinakabata sa kanyang tatlong asawa.

Tama ba kami na first time magtatambal sina Dennis at Andrea sa Legal Wives at first time rin kayang magkakatrabaho sina Dennis at Cherie?

KC MONTERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with