Reunion nina Bea at John Lloyd, naudlot ng pandemya
Reunion nina Bea at John Lloyd, naudlot ng pandemya
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

Inabutan ng lockdown at quarantine ang dapat sana’y reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa bakuran ng Star Cinema na muling pamamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Ang tambalan nina JLC at Bea ay isa sa pinaka-successful both sa telebisyon at maging sa pelikula at isa rin sa team-up na paboritong idirek ni Direk Cathy.  Kasama sa mga box office movies na dinirek ni Direk Cathy ay ang The Second Chance na last team-up ng dalawa in 2015, One More Chance, Miss You Like Crazy, at Close to You among others.

Si John Lloyd ay (pansamantalang) huminto sa kanyang showbiz career in October 2017 kasama ang (dating) kasintahang si Ellen Adarna para harapin ang kanilang pribadong buhay.  Ang dating couple ay nagkaroon ng isang anak na si Elias Modesto (2) na isinilang noong June 27, 2018. Pero tulad ng ibang celebrity couples ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon but co-parenting their child.

Kung loveless pa rin hanggang ngayon si JLC, masaya naman ang puso ni Bea dahil may bagong nagpapasaya sa kanya ngayon, ang Kapamilya actor  na si Dominique Roque, pamangkin ng San Francisco, California, USA-based actress na si Beth Tamayo.

Gary at Bernadette, naka-dalawang dekada na

Papunta na sa ika-dalawang dekada ang pagsasama ng mag-asawang Gary (Ejercito) Estrada at Bernadette Allyson (Bernadette Tinoco-Ejercito) na ikinasal noong June 16, 2001.  Ang mag-asawa ay may tatlong anak na pawang babae, sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettina. Ang panganay na anak ni Gary and his only son, ang actor na si Kiko Estrada (Jason Joseph Francis Carlos Diaz Ejercito), 25, ay anak niya sa aktres na si Cheska Diaz, nakatatandang kapatid ng actor na si Joko Diaz.

Very close ang magkakapatid na Kiko, Garielle, Garianna at Gianna at madalas magkakasama ang siblings sa iba’t ibang mahahalagang okasyon ng kanilang pamilya. Kiko who is now 25, lives independently on his own.

Sa gitna ng pandemya ay lalong naging close si Gary sa kanyang pamilya – sa kanyang wife na si Bernadette at mga anak.

Latin-American singer na-fake news

Hindi lamang pala sa Pilipinas uso ang fake news kundi maging sa Amerika.

Napabalitang sumakabilang-buhay na umano ang Latin-American singer and hitmaker na si Angela Bofill (66) na siyang nagpasikat ng maraming hit songs tulad ng This Time I’ll Be Sweeter, Angel of the Night, I Try, Break It To Me Gently, Baby I Need Your Love, Under the Moon and Above the Sky among others. Ang balitang ito ay agad nakarating sa singer-songwriter sa pamamagitan ng kanyang manager na si Rich Engle.

“I’m glad that I’m not dead yet,” pahayag ni Angela sa isang panayam. Pero hindi nito ikinakaila na apektado ang kanyang speech at mobility matapos siyang magkaroon ng dalawang magkahiwalay na stroke in 2006 and 2007.

Kaya dapat hindi tayo nagre-repost ng mga balita lalo pa’t hindi naman verified kung ito’y totoo.

BEA ALONZO JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with