Assunta at Jules, nalagpasan lahat ng adjustments bago nagkaanak
Assunta at Jules, nalagpasan lahat ng adjustments bago nagkaanak
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 26, 2020 - 12:00am

Ang saya-saya siguro nina Assunta de Rossi at Jules Ledesma sa pagkakaroon ng baby girl. Imagine na halos 15 years nilang hinintay na magkaroon ng baby kaya miracle baby ang turing nila rito.

Maganda rin naman na nalagpasan na lahat nina Assunta at Jules ang lahat ng adjustment bago nagkaroon ng baby. Maganda ang love story ng dalawa na inakala noon na hindi magtatagal pero ayan at hanggang ngayon lalo pang tumibay ang pagsasama.

Cute nga dahil meron ng mga anak si Jules sa namayapa niyang asawa na ngayon ay magiging ate at kuya ng kanilang baby. Congrats, Assunta and Jules, truly a miracle. God is good. 

Kamiseta, may derma clinic na sa QC

Meron nang Kamiseta Skin sa B Hotel sa Quezon City, kaya naman tuwang-tuwa si Cris Roque dahil matagal na niyang gustong magkaroon ng clinic sa QC.

Naku, Salve, ha, mukhang sa lakas ng Kamiseta Skin, lumalaban na ito sa mga naunang beauty clinic.

Ibang-iba kasi ang pagma-manage ni Cris Roque sa beauty clinic niya dahil nga kahit hindi siya isang doktor, sa management naman siya nakatuon.

Sa Belo clinic, doktora si Dra. Vicki Belo, sa House of Obagi si Dr. Paolo Santos, sa Kamiseta Skin mga top of the line dermatologist at cosmetic doctors ang affiliated kaya naman nandun ang trust ng mga pasyente nila.

Growing bigger and stronger, parang apparel line nila, talagang lumalaban nang husto ang Kamiseta. Congrats, Cris Roque.

ASSUNTA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with