DOTS, tinupad ang pangako
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 26, 2020 - 12:00am

The wait is over for loyal Kapuso viewers ngayong ipagpapatuloy na ng GMA Network ang airing ng award winning na Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation, simula ngayong Lunes, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis Smith.

“Sa TV audience meron kaming promise na ibinigay sa inyo when we started airing on February 10, 2020, na kukumpletuhin namin ang kuwento,” mensahe ni Dingdong. “Kaya ngayon gusto naming i-share sa inyo ang pagbabalik namin, and we are proud to be Kapuso and proud Filipinos so much more.”

“Sobrang excited na ako na people will be able to watch yung pinaghirapan namin ng cast and crew,” sabi naman ni Jennylyn. 

Sisimulan tonight, at 9:15 p.m., ang recap ng story hanggang sa huling eksena bago nahinto dahil sa COVID-19 pandemic, na pabalik na sila ng Manila mula sa duty nila sa Urdan ay nagkaroon ng malakas na lindol at maraming namatay. Sa November 5, mapapanood na ang karugtong ng story.

Prima Donnas, mapapanood na rin ang fresh episodes

Isang malapit na ring mapanood ay ang mga fresh episodes na tapos na, ay ang Prima Donnas na kasalukuyang napapanood ang recap ng story sa GMA Afternoon Prime, 3:15 p.m. Inip na inip na ang mga netizens malaman kung matutuloy ang kasalan sa kuwento.

Sa November na rin mapapanood ang fresh episodes nito sa direksyon ni Ms. Gina Alajar.

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with