Dingdong sinisiguradong ‘di magagamit sa panloloko
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 26, 2020 - 12:00am

Sa November na ang official launch ng Dingdong PH, ang delivery app business ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Binusisi raw nila nang husto ang features ng naturang app dahil ayaw ni Dong na gamitin ito sa panloloko.

“Kasalukuyang pinapaganda pa para maging seamless pa ‘yung customer experience so para kapag nag-order kayo, talagang walang kapalya-palya,” paniguro ng aktor.

Binuo ni Dingdong ang naturang delivery app para mabigyan ng trabaho ang maraming displaced workers sa entertainment industry noong magkaroon ng ilang buwang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Ilan sa mga partner merchants ng app ay ang Jennylyn Mercado’s Litter Bucks, Nico Bolzico’s Bolzico Beef, Matteo Guidicelli’s family’s Da Gianni Cucina Italiana Manila, Neri Miranda’s Neri’s Gourmet Tuyo, Isabelle Daza’s FRNK Milk Bar, Joel Torre’s JT’s Manukan, and Neil Ryan Sese’s K&G Seafood.

Teresa, inalala ang 14 years na pagiging FA

Nag-post ng throwback photo ang aktres na si Teresa Loyzaga sa kanyang Instagram noong nagtatrabaho pa siya bilang flight attendant.

Nagtrabaho bilang FA si Teresa for 14 years. Ito ay noong panahon na iniwan niya ang kanyang showbiz career at nag-migrate sa Australia noong 2000. Dahil may dalawang anak na siya noon, nagtrabaho si Teresa sa Australia bilang call center agent at naging bank employee rin siya hanggang sa makapasa siya bilang FA sa Qantas Airlines.

Bumalik sa pag-arte si Teresa after 17 years. Noong bumalik siya sa Pilipinas, gumawa siya ng mga teleserye sa ABS-CBN 2 at GMA 7.  Huli siyang napanood sa I Can See You: High Rise Lovers.

Legally Blonde ni Reese, tuloy ang part 3

Masayang in-announce ni Reese Witherspoon na tuloy ang ikatlong Legally Blonde film at ipapalabas ito sa May 20, 2022. Sa Instagram ay pinost ng Hollywood actress ang good news sa mga naghihintay sa Legally Blonde 3.

Si Reese ang magpo-produce ng Legally Blonde 3 under her production company.

Naging overnight box-office star si Reese dahil sa comedy film na Legally Blonde na pinalabas noong 2001. Nasundan ito ng sequel noong 2003.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with