Ruffa, puwede kahit saang channel
Ruffa
Ruffa, puwede kahit saang channel
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

Busy bee si Ruffa Gutierrez ha. After ng stint niya sa Love Thy Woman, heto at may gagawin na siya para sa Cignal TV kasama si Bobby Andrews na mapapanood sa TV5.

Mas mabuti nga na busy si Ruffa dahil mahirap sa kanya na hindi nakaka-travel dahil nga medyo restricted pa rin ang traveling ngayon.

At sa ganda ni Ruffa, hindi mo iisipin na mother siya ng mga dalaga na rin na sina Lorin at Venice.

Alam mong alagang-alaga niya ang kanyang katawan kaya naman na maintain niya na mukhang bata instead of being a mother ang hitsura sa dalawang teeners.

Ang galing din na parang lahat ng network napapanood si Ruffa. Wala siyang exclusive contract kahit saan.  Go Ruffa, gawa ka ng maraming serye, bagay ka sa mga kuwento ngayon.

Senti-Senti...

Dahil siguro malapit na ang araw ng mga patay at kaluluwa, kaya medyo senti-senti na ang feeling ng marami.

Kailan lang nawala sila Manay Ichu Maceda at Father Sonny Ramirez, pero madalas pa rin pumasok sa ating alaala sila FPJ, Rudy Fernandez, mga kasamahan sa panulat na sila Isah Red, Bong de Leon, Veronica Samio, Nene Reigo at iba pa.

Iyon pagkawala nila Douglas Quijano, Bibsy Carballo, Billy Balbastro, Wyngard Tracy, parang naging malaking kawalan sa showbiz writing.

Iyon era ni Inday Badiday at Kuya Germs Moreno, masasayang araw na naging malungkot dahil sa pagkawala nila.

At kahapon, si Direk Al Quin, namayapa na rin.

Una-una lang, lahat tayo diyan naman papunta, sa departure area ng buhay natin. Pero sabi ko nga, basta nawala ka and people will remember you with a smile, tama na iyon. Ibig sabihin naging maganda ang iniwan mong memory dito sa lupa.

Hindi ko na nga tinitingnan iyon mga old photo, dahil naalala ko lang ang masayang nakaraan at nakadarama ako ng lungkot.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with