Maine, may kampanya sa polio
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

Pinili si Maine Mendoza bilang Rotary Ambassadress ng campaign nitong End Polio Now. Galing sa pamilya ng mga Rotarian si Meng at ang pagmamahal niya sa mga pamangkin ang nagtulak sa kanya upang itodo ang suporta para mabura ang polio sa buong mundo.

Kahapon, Oktubre 24, ang World Polio Day. Katuwang ng Rotarians sa buong mundo ang World Health Organization, UNICEF, Centers for Disease Control and Prevention, sa launching ng GLOBAL Polio Eradication Initiative noong 1988.

Noong 2007, ang Bill Melinda Gates Foundation ay sumapi sa Rotary sa commitment nitong matapos ang polio. Tinumbasan nito ang US$2 sa kada isang dolyar na committed ng Rotary.

Puwedeng mag-donate sa adbokasiya ni Mane na tutulong upang wakasan ang pagkakaroon ng polio.

Kung may BIDA campaign at end tuberculosis si Alden Richards, end polio naman ang kampaya ni Meng, huh!

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with