Janella nanganak na raw, Assunta nailuwal na ang miracle baby
Assunta
Janella nanganak na raw, Assunta nailuwal na ang miracle baby
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

Ano ba talaga, nanganak na si Janella Salvador?

Nag-iikot sa social media ang isang photo ng baby sa hospital na diumano’y ito na nga ang baby nila ni Markus Paterson.

Pero ang isang siguradong nanganak, si Assunta de Rossi ayon sa friend niyang si Jun Lalin. Pero wala pang ipinapakitang photos sa social media si Assunta o ang mister niyang si former congressman Jules Ledesma.

Angel, outright ang denial na NPA sila ng kapatid

Outright na tinanggi ni Angel Locsin na member siya ng NPA.

“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group. Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group.

“We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim Ng Consitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating nga sariling paniniwala. Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako “red”. Magkaiba lang tayo ng paniniwala.

“Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger.”

Ahh ano kaya reaction dito ng mga kinauukulan?

Malaking issue sa kasalukuyan ang diumano’y red tagging sa kanila nina Liza Soberano and Catriona Gray kung saan binigyan sila ng warning ng military.

MMFF hindi na talaga mapapanood sa mga sinehan, Parade of Stars at awards night digital din

Two hundred fifty pesos ang fee para maka-access sa entries sa darating na Metro Manila Film Festival.

Yes, digital all the way ang event ng MMFF this year kasama na ang awards night at ang inaabangan yearly ng fans na kino-consider na tradition na Parade of Stars.

Walang kahit isang pelikulang ipalalabas sa mga sinehan at lahat ay showing digitally.

Ang Globe Studios ang partner ng MMDA/MMFF sa magaganap na MMFF 2020 Digital Edition dahil pa rin sa health crisis sa COVID-19.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with