Mga nasa lock-in, para na ring nag-abroad
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

Totoo ‘yung sinabi ni Dingdong Dantes na ‘yung lock-in parang feeling ng isang OFW. Kasi nga tingnan mo, malayo ka sa pamilya mo, naka-lock in kayo para sa trabaho, o ‘di bah, parang OFW na nagtitiis na malayo sa pamilya para lang kumita ng pera.

How sad nga na ‘yung mga OFW na nagtratrabaho abroad, nagtitiis, tapos ‘yung iniwang pamilya rito sa halip na natulungan, mas nasira. Iyong mga asawa na dahil malayo ang partner nila ay natukso sa iba, at ‘yung mga anak na akala ganoon lang kadali ang pagkita ng pera na pinapadala sa kanila, nalulong sa bisyo at nagpabaya sa pag-aaral.

We make sacrifices for our loved ones, na sana naman ma-appreciate nila at huwag sayangin. Nagtiis silang mawalay sa mga mahal nila, pero sana kahit nasa malayo sila, mahalin pa rin at hindi kalimutan.

Sana nga dumating ang araw na hindi na kailangang lumayo para kumita ng magandang sahod, sana kahit nandito lang sa bayan natin, sapat na ang kinikita para mabuhay nang maayos at hindi nahihirapan.

Magikland ipalalabas sa Filipino version ng Disneyland

Bongga talaga ang Brightlight Productions ni Papa Albee Benitez. Balak niyang ipa-preview ang Magikland the movie sa mismong Magikland Park sa Bacolod?

Bongga dahil para makita na agad ang site ng shooting at kung ano ang rides na ginamit sa pelikula. Plus gusto niyang makita ng mga showbiz writer ‘yung ganda ng lugar, at kung ano ang puwedeng i-offer ng Magikland, ang Filipino version ng Disneyland.

Hay naku, sobrang aggressive ng lahat ng plano ni Papa Albee ha.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with