Momshies bibida sa pelikula
Momshies bibida sa pelikula
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

Wow, Salve A., did we hear it right na plan­tsado na ang gagawing movie, co-starring the three momshies of the talk program, Magandang Buhay.

We are referring, of course, to Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, whose individual story, kasama ang tungkol sa pag-ibig ay maganda, interesting at inspirational.

Kaya, no need na mag-create pa ng kuwento.

Tiyak box office hit ang pelikula lalo’t kung ang kanilang “anakshie,” lalo na ang mga anak ni Karla will be featured as guest roles.

Suggestion: Have direk Cathy Garcia-Molina for its director.

Rhian, over and done na sa huling breakup

Thirty years old exactly last October 3, Rhian Ramos reveals she’s over and done with sa katatapos niyang heartbreak.

Yes, kakaiba raw ang kirot na kanyang naramdaman, when she and her Israeli boyfriend broke off.

Mabuti na lang daw at naging busy siya with the series, Truly. Madly. Deadly, a five part episode of the drama anthology, I Can See You, where she had a kissing scene, sa lips, ha, with Jennylyn Mercado.

Included in the cast, too, was Dennis Trillo.

Rhian will soon be busy with the taping of her full-length teleserye, co-starring her with Carla Abellana and Coney Reyes.

Alex, nag-back out nga ba sa LOL?

Anang aming assistant na si Jane Reñedo from Dipolog City, one week na rin daw niyang pinano­nood ang ngayo’y isinasahimpapawid na noontime show ng TV5, Lunch Out Loud (LOL), which will have raw bilang hosts, sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Wacky Kiray, K Brosas at Bayani Agbayani, among others, pero ni anino raw ni Alex ay hindi pa niya napapanood. Well, sa show.

Totoo bang nag-back out siya?

Well, not LOL’s loss daw but Alex’s, saad ni Jane.

Balik na lang daw siya sa pano­nood ng It’s Showtime.

And there’s, of course, raw Eat Bulaga, na agaw-pansin, kapag portion na ni Vic Sotto, at kasama nitong nagsasayaw ang two-year old na anak na si Tali.

Joey hinihintay kung panonoorin si Ian

Will Joey de Leon take time kaya na mapanood ang sitcom ni Ian Veneracion on TV5, Oh My Dad!?

First series itong Oh My Dad! na magpapatawa si Ian, na at an early age ay gumanap na anak ni Joey sa comedy show na Joey and Son.

In fairness, ayon kay Ian, napaka-effective magpatawa ni Joey, mula noon hanggang ngayon.

Happy feast day…

Salve A., allow us to greet happy fiesta sa mga taga-Legaspi City.

Feast day today, October 24, ng kanilang Patron Saint, si San Rafael.

JOLINA MAGDANGAL KARLA ESTRADA MELAI CANTIVEROS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with