Ruffa napabilib sa pag-aalaga ni Daniel kay Kathryn
Ruffa napabilib sa pag-aalaga ni Daniel kay Kathryn
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

Puring-puri ni Ruffa Gutierrez sina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla na co-stars niya at bida sa new comedy series na The House Arrest of Us. Bukod sa napakagaan daw katrabaho, maagang dumarating sa set at walang superstar complex, pareho raw mabait at napakagaling na artista.

In fact, isa nga raw ang KathNiel sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang project especially inaanak niya raw si Daniel. Of course, bukod dito ay napakaganda raw ng materyal. “I remember, during the first day (of taping),” kuwento ni Ruffa sa Zoom tsikahan namin sa kanya last Thursday, “talagang tinititigan kong mabuti si Daniel, talagang batang Robin Padilla na ang lakas ng karisma.

“Even when he talks, sabi ko, ‘oh my God,’ parang naalala ko ‘yung boses ni Robin Padilla nu’ng araw.”

Of course, may sarili naman daw karisma ang magtiyuhin na hinangaan sa kanila ng mga tao. “Makikita mo talaga ‘yung karisma ni Daniel, makikita mo talaga na ‘wow!’ You know, kaya siya hinahangaan ng mga tao. Lalaking-lalaki ang dating, inaalagaan niya talaga si Kathryn.

“The way he takes care of Kathryn is like she’s a protected diamond, like a precious gem, hindi ‘yung tingin ng lalaki sa babae na gusto mo lang siyang i-take for granted, hindi ganu’n ang tingin ni Daniel kay Kathryn.

“Eh si Kathryn din naman, ang bait-bait, talagang marespeto, ang ganda ng kutis and simpleng-simple lang siya, hindi nga siya halos nagme-make-up,” pagbabahagi ni Ruffa.

Thankful ang aktres na sa gitna ng pandemic ay sunud-sunod ang kanyang trabaho. Katatapos lang niyang mapanood sa Love Thy Woman at ngayon ay mapapanood na ngayong Sabado, Oct. 24 ang The House Arrest of Us sa KTX.ph

And this Sunday, sisimulan naman niya ang bagong teleserye sa TV5 na Stay In Love with Maris Racal and Kokoy de Santos kung saan ay two and a half weeks silang naka-lock in sa Antipolo. “This is gonna be my third locked-in for this year,” sey niya.

Suking-suki na nga raw siya sa lock-in taping, gayundin sa swab test. Bagama’t may COVID-19 scare rin siya, siyempre ay kailangan naman daw niyang magtrabaho at sinasamahan na lang daw niya talaga ng prayers at pag-iingat to keep her safe and healthy.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with