Ruffa sa TV5 muna
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

Good provider si Ruffa Gutierrez sa dalawang anak na sina Lorin at Venice. Kahit nariyan pa rin ang COVID-19 eh, ratsada pa rin siya sa pagtarabaho.

Napalaki ni Ruffa nang maayos ang mga anak nang walang suporta sa dating asawa na si Yilmaz Bektas. “Thanks for the sperm!” bulalas ni Ruffa sa Zoom chikahan niya sa ilang press.

Nakatakdang mag-aral sa ibang bansa ang anak niyang si Lorin. Bago umalis, pag-aaralin niya ang teenager ng self defense at pinayuhang mag-Bible study. “Para intact pa rin ang values niya kahit nasa abroad siya,” rason ng hot TV actress.

Muling lalarga si Ruffa sa bagong trabaho, ang TV5 series na Stay in Love na produced ng Cignal TV at Cornerstone Studios. Makakasama niya sina Maris Racal at Kokoy de Santos. Lock-in taping sila at isang alalay lang ang pinayagan niyang isama.

Pero dahil sa pandemic, itinabi muna niya ang mamahalin niyang bags at sapatos. Wala rin naman daw siyang masyadong paggagamitan.

Kaya simpleng damit at sapatos lang ang madalas niyang gamitin ngayon. “Sa bahay nina Mommy kami nakatira ngayon,” saad niya kaya behave muna siya ngayon sa paglabas-labas!

Isa si Ruffa sa masusuwerteng artista dahil kahit may pandemya eh dumarating ang mga trabaho, huh!

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with