Angel suportado ni Neil, ng mga kaibigan!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

Suportado ng mga kaibigan niya at ng boyfriend na si Neil Arce ang pahayag, pag­lilinaw at pagtanggi ni Angel Locsin na parte siya ng NPA, ang kapatid niyang si Ella at ang tiyuhin niyang si Neri Colmenares.

Comment ni Neil, “beside you all the way!” na sinagot ni Angel ng emojis ng lips with red lipstick.

Sabi naman ni Angelica Panganiban, “mara­ming salamat sa tapang mo” at ni Anne Curtis na “supporting you mars!.” Comment ni Eula Valdes, “homaygad” at si Karen Davila, “WOW fiery and empowered.” Sinundan ni IC Mendoza ng “mahal ka namin.”

Part ng mensahe ni Angel, “I am also appealing to everyone to express support for those being red-tagged like Liza Soberano, Catriona Gray, and all the others just because they are expressing their beliefs peacefully.”

Kris, pinagtanggol si Melai

Usap-usapan online na sa November 11, sa Big Sale ng isang online shopping group lalabas at maggi-guest si Kris Aquino sa Wowowin. Excited na ang fans ni Kris na mapanood siya nang live sa telebisyon at okay lang sa kanila kung sa GMA 7 ang balik-TV nito.

Wala pang binabanggit si Kris kung kailan siya maggi-guest sa Wowowin dahil siguro matagal pa.

Speaking of Kris, may sinaway itong netizen dahil inaway si Melai Cantiveros na nag-congratulate lang sa kanya.

Hindi nagustuhan ng isang netizen ang comment ni Melai at tinawag siyang plastic at du’n na lang daw siya kay Karla Estrada na co-host ni Melai sa Magandang Buhay ng ABS-CBN.

Sagot ni Kris sa netizen, “Melai has remained to be kindhearted & supportive. Why be negative on such a happy day?” at “much appreciated” naman ang sagot ni Kris sa pagko-congratulate ni Melai sa kanya.

E-commerce platform, bongga rin ang labanan

Bukod sa Shopee at Lazada, mga network ang makikinabang sa sabay na Big Sale ng dalawang e-commerce platform sa November 11. Gaya na lang sa GMA 7, may special show ang Lazada at ganu’n din ang Shopee. Nasilip namin ang taping yata ‘yun ng Lazada na mauuna raw ang special show at saka susunod ang Shopee.

Sa GMA 7 pa lang ‘yun, paano pa sa Kapamilya Channel, sa TV5 at sa iba pang networks?

Nalaman pa namin na parehong Singapore-based ang Shopee at ang Lazada at ang Lazada ay under the Alibaba Group of companies. Bongga!

ANGEL LOCSIN NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with