Dingdong at Jennylyn, kain na uli nang kain
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

Masaya ang online chikahan nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Jasmine Curtis-Smith, sa Kapuso Artistambayan sa GMA Network, dahil excited na sila sa muling pagbabalik sa Monday, October 26, ng Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation.

Ngayon daw tapos na nga silang i-tape ang fresh episodes nito hanggang sa katapusan ng story, eat na raw lamang sila nang eat, pero binabantayan pa rin nila ang weight dahil may mga ginagawa rin silang ibang projects. 

Pero inamin nilang nami-miss na nilang muling magkasama-sama sa trabaho dahil halos inabot sila ng one year bago natapos ang serye. Nang mag-lock-in taping daw sila ay hiwa-hiwalay din sila ng tent bilang pagsunod sa health protocols at nagkikita-kita at nagkakausap lamang sila kapag eksena na nila.

Sa Monday ay mapapanood muna for two weeks ang recap ng DOTS at sa November 9, magsisimula ang fresh episodes. Sa November 13 and every Friday, mapapanood na sila sa Netflix.

Nora, balik-taping na rin

Isa pang nagbalik-taping na rin ay ang cast ng Bilangin ang Bituin Sa Langit na nagtatampok kina Superstar Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara, with Zoren Legaspi, Inah Feleo, Yasser Marta, sa direksyon ni Laurice Guillen.

Last Thursday, October 22, ay sumabak na nga sa trabaho ang cast and crew ng serye sa lock-in taping sa location nila sa San Mateo, Rizal. Kita sa mga photo na pinost nila ang maingat na pagsunod ng buong team sa safety protocols gaya ng social distancing at pagsuot ng tamang protective gear. Kahit sa pagre-rehearse ng kanilang mga linya,  nakasuot pa rin sila ng face mask at tinatanggal lamang ito kapag kukunan na ang eksena nila, si Direk Laurice kahit mag-isa lamang siya sa OB van ay naka-face mask din.

Bianca, bida sa Magpakailanman

Na-challenge si Kapuso star Bianca Umali na tanggapin ang role ni Lairca Nicdao, ang Pinay gold medalist sa Women’s Junior Single Class 1 event ng 2019 World Para Dance Sport Championships na ginanap sa Bonn, Germany, nang in-offer ito sa kanya ng drama anthology na Magpakailanman.

“Hindi po kasi madali ang role dahil si Lairca ay six years old pa lamang nang maputulan ng left leg dahil sa bone cancer,” sabi ni Bianca. “Kaya kailangan ko pong pag-aralan kung paano ako gaganap na putol ang isang paa pero sumali pa rin sa dance sport, hanggang sa tanghaling isang champion.”

Mapapanood ang Sayaw ng Buhay: The Lairca Nicdao Story, ngayong gabi, October 24, 8:15 p.m. pagkatapos ng The Clash 3.

DINGDONG DANTES JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with