Vaness, napagkamalang COVID ang pagbubuntis
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

Kasama na sa listahan ng celebrities na nabuntis ngayong 2020 ang Kapuso kontrabida na si Vaness del Moral.

Pinost ni Vaness sa kanyang Instagram at sa kanyang vlog ang sonogram ng kanyang pinagbubuntis na baby na 10 weeks old na.

Sa vlog ni Vaness, naikuwento nito na ilang araw na raw na masama ang pakiramdam niya. Feeling niya na baka may COVID-19 na siya, pero hindi raw siya nawalan ng pang-amoy kundi mas naging sensitive ang pang-amoy niya.

“Nahihilo ako ‘pag morning. Hindi ako sumusuka. Tinatanong ako ng mga tao since nag-announce kami kumusta raw ‘yung morning sickness.

“Wala akong morning sickness na malala. Hilo lang ang mayroon ako. And then…masungit na ako, sa totoong buhay masungit na ako. Dumoble ‘yung sungit ko.

“Nasabi ko rin sa sarili ko na I don’t like myself kasi nga ang sungit ko,” tawa pa niya.

Noong nagpatingin si Vaness sa doktor, negative siya sa COVID-19 pero positive na buntis siya. Hindi muna niya pinaalam sa kanyang mister na si Matt Kier na buntis na siya at nilihim niya ng ilang araw dahil pang-surprise niya iyon sa birthday ng mister noong nakaraang October 17.

Nasorpresa si Matt at natuwa dahil sa wakas ay may baby na silang hihintayin na maisilang next year. “Excited to meet our little one!” caption ni Vaness sa latest IG post niya.

Kinasal sina Vaness at Matt noong February 2018 sa Baguio City.

Andi, gusto nang bumalik sa probinsya

Nasa Manila pala ngayon si Andi Eigenmann kasama ang mga anak na sina Ellie at Lilo at hindi makauwi sa Siargao.

Na-stranded ang mag-iina sa Manila at miss na nila ang bahay nila sa Siargao kung saan ang naroon lang ay ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo.

Dahil sa magkakasunod na bagyo ay hindi raw maka-book ng flight si Andi. Kaya naghihintay silang maging maayos na ulit ang panahon.

Hindi na raw sanay si Andi sa ingay ng city pero ang maganda raw ay nakasama niya ang kanyang pamilya na ilang beses lang niya makita sa isang taon.

“I feel like we see our family more now than before. For me, the silver lining is that I get to be with my girls and that every member of our family, all of our loved ones, are safe and healthy,” sey ni Andi sa kanyang vlog.

Maayos naman daw ang lagay ni Philmar sa Siargao at gusto na niyang makapiling ito. “As much as we wish that the three of us and Philmar are all together, all complete, I’m also really glad that he’s safe and healthy over there on the island and that he’s home where he belongs, especially now that the waves have been pumping. It’s been really good in Siargao. Philmar has just been spending his time riding the waves.”

Nasa ika-25th week na ng pagbubuntis si Andi sa third baby niya.

“I’m nearing the end of my second trimester. We’re just hoping that once my third trimester comes, at the least, we can all enjoy and experience my pregnancy with Philmar around.”

May asim pa… Hollywood actress na si Melanie Griffith mas sexy pa sa anak

Sa edad na 63, may asim pa rin ang Hollywood actress na si Melanie Griffith at pinagmalaki niya ang kanyang sexy body sa pagsuot ng pink lingerie in honor of Breast Cancer Awareness Month.

Tila mas sexy pa raw si Melanie kesa sa anak nito na nagbida sa 50 Shades of Grey film trilogy na si Dakota Johnson.

Suot ni Melanie ang Kit Undergarments na kabilang sa campaign for Breast Cancer Awareness na may hashtag na #kitstokickcancer.

Designed ang Kit Undergarments nina Jamie Mizrahi and Simone  Harouche na magdo-donate ng five percent sa kanilang sales to the Women’s Cancer Research Fund. May additional $1 naman na donation sa bawat babae na bibili at ipo-post sa social media na suot nila ang undergarment with the hashtag at ita-tag sila sa @kitundergarments.

Bukod kay Melanie, nag-post din in their Kit Undergarments to raise funds sina Kate Hudson, January Jones, Zoe Saldana at marami pang iba.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with