Kilig-serye nina Maris at Kokoy, puno ng Kapamilya talents / staff
Kilig-serye nina Maris at Kokoy, puno ng Kapamilya talents / staff
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

Ang COVID-19 swab test kahapon ng Stay In Love, ang kilig-serye ng TV5.

Sa may bandang south nakatira si Ruffa Gutierrez na isa sa main cast ng nasabing series na pagbibidahan nina Maris Racal at Kokoy de Santos.

Maagang umalis sa kanyang bahay si Ruffa. Akala pala niya ay sa Quezon City pa ang hospital na pupuntahan at saka na lang niya nalaman na sa Taft Avenue, Manila pala ‘yon.

Kuwento ni Ruffa, drive thru lang ang swab testing na ginawa sa kanya. “Wala akong co-stars na nakita dahil drive thru lang ‘yung swab test na ginawa sa amin. Ang bilis lang.”

Sa ngayon, naka-quarantine na sila sa kani-kanilang mga bahay at sa Sunday daw ang start ng lock-in taping nila.

Si Bobby Andrews naman ang kapareha ni Ruffa sa Stay In Love under Cignal TV at line-produced ng Cornerstone Studio (sister company ng Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo).

Hindi lang majority ng mga artista ng Stay In Love ang galing sa ABS-CBN. Pati production staff ng kilig-serye na ‘yon ay galing din daw sa Kapamilya network.

Magandang aktres, naloka sa drama ng magdyowang showbiz

Naaliw ako sa isang beautiful actress. Ipinadala ko kasi sa kanya ang picture ng lunch date ng dalawang showbiz personalities na magkarelasyon ngayon.

Reaction ni beautiful actress, “How sweet! Pero bakit may arthritis si ________ (pangalan no’ng lalaki), hindi tuloy niya mabuhat si _______ (pangalan ni girl)?!”

Napa-“Ha?!” ako sa tanong na ‘yon ni beautiful actress. “Hindi ka ba nagbabasa, nasa caption ng picture na pinost nila!” sey pa ni beautiful actress, kaya binalikan ko tuloy ang naka-post na picture ng lunch date ng dalawang showbiz personalities. “I wanna make you smile whenever you’re sad… Carry you around when your arthritis is bad…  All I wanna do is grow old with you.”

Tinawagan ko si beautiful actress para sabihing, “Ano ka ba, lyrics ‘yon ng kanta. ‘Yun lang ang ginawang caption, walang may arthritis at walang ike-carry around. Hahaha!” Tawa na lang nang tawa si beautiful actress dahil na-“Wow, Mali!” siya. Hahaha!

‘Kaaliw lang, Ateng Salve, ‘di ba?!

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with