Marian,maraming na-accomplish habang quarantine
Marian
Marian,maraming na-accomplish habang quarantine
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

Nakakainggit ang kalagayan ni Marian Rivera na kahit may pandemya eh, tuloy pa rin ang endorsements niya at work from home naman siya sa docu-drama na Tadhana na siya ang host.

Ilan sa ginawang commercials ni Yan ang napapanood sa TV ngayon. May bago rin siyang TVC na nagawa kahit quarantine.

Nagagamit din niya ang kanyang social media accounts sa promotion ng kanyang endorsements, huh!

Siyempre, pabor si Marian sa quarantine dahil naaalagaan niya nang husto ang mga anak na sina Zia at Ziggy, huh! Eh ‘yun naman ang gusto niya – ang mabantayan ang mga anak habang lumalaki sila.

Mabuti na lang, mahigit isang taon pa lang ang bunsong si Ziggy kaya hindi pa siya puwedeng mabuntis!

Naku, kung nataon na malaki-laki na ang bunso, baka nagkaroon na sila ni Dingdong Dantes ng quarantine baby, huh!

Documentary tungkol kay Mang Ramon, ipapalabas

Documentary pala tungkol kay former Senator Ramon Revilla Sr. ang Ramon na pina-plug sa GMA News and Public Affairs.

May interviews sa ilang artistang nakatrabaho niya at iba pang kaganapan sa ama ni Senator Bong Revilla Jr.

Mapapanood ang Ramon ngayong Linggo sa GMA News TV. Iba pala ito sa Agimat ng Agila ni Bong.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with