Liza at Catriona, binigyan ng warning ng militar
Liza at Catriona, binigyan ng warning ng militar
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

Maliwanag naman, binigyan lang ng warning ni Lt. Gen. Antonio Parlade ng Philippine Army sina Liza Soberano at Catriona Gray, dahil sinasabing nakasama sila sa ilang activity ng mga samahan na kilalang kumikiling sa kaliwa. Hindi sinabi ni Parlade na ang dalawa ay komunista na.

Ang sinasabi lang niya, “huwag ninyong sundan ang nangyari kay Ka Ella Colmenares.”

Bakit naman naiugnay riyan ang aktres na si Angel Locsin? Iyan kasing si Ka Ella, sa tunay na buhay ay si Angela Colmenares na nakatatandang kapatid ni Angel. Si Angel naman si Angelica Colmenares ang pangalan. Sinasabi na diumano si Ka Ella ay natangay ng mga NPA sa Quezon. May panahong si Ka Ella ay nominado pa sa isang party list ng mga kabataan. Lumalabas na gaya ni Angel, bale tiyuhin nila si Neri Colmenares, na naging isang party list congressman, at natalo sa kanyang senatorial bid. Kilala ring makakaliwa si dating congressman Neri Colmenares.

Ganoon pa man, wala pa ring nagsasabi na si Angel Locsin ay makakaliwa. Wala pa naman siyang sinasamahang activity na ganoon. Ang mga proyekto niyang personal ay puro pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at iyan ay dahil involved siya sa Red Cross. Ang Red Cross ay isang international society na based sa Geneva, at walang kinikilalang political ideology. Tinutulungan ng Red Cross at Red Crescent Societies para sa mga Muslim, ang sinumang nangangailangan, lalo na nga ng atensiyong medical at kung may kalamidad.

Nangyayari nga siguro kung minsan na nakikinabang sa kanilang mga ginagawa ang mga makakaliwa, pero wala silang pakialam kung ano man ang paninindigan mong political.

Iyong warning namang ibinigay kina Liza at Catriona ay pagsasabi lang na tingnan muna nilang mabuti ang mga sinasamahan nilang organisasyon.

Sen. Lapid, hindi alam ang history ng Del Monte Ave.?!

Palagay namin, hindi napag-aralang mabuti ni Senador Lito Lapid ang kanyang panukalang batas na naglalayong palitan ang pangalang Del Monte Avenue at gawing FPJ Avenue. Si Senador Lapid, hindi naman kasi siya iyong masasabi mo talagang nag-aral ng kasaysayan. Hindi niya alam kung bakit iyan tinawag na Del Monte Avenue. Hindi kami magtataka kung ang naisip niya na mas magandang ipangalan iyan sa hari ng pelikulang si FPJ kaysa sa “isang marka ng juice.”

Binatikos iyan ng maraming samahang relihiyoso, lalo na ang mga Franciscano na sinasabing siyang mga unang citizens ng Quezon City, at ipinaliwanag nila kung bakit iyan ay tinawag na Del Monte Avenue simula pa noon. Kinatigan din iyan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Naging ayos naman ang reaksiyon ni Senate President Tito Sotto sa oposisyon ng mga relihiyoso. Sinabi niyang kakausapin niya ang senador na baguhin ang panukalang batas at ang palitan ng pangalan ay iyong kasalukuyang Roosevelt Avenue, tutal sa kalyeng iyon nakatayo ang ancestral home nina FPJ. Iyong sa Del Monte, studio lang naman ng FPJ Productions.

Isa pa, ang Roosevelt Avenue, ipinangalan sa pangulo ng US na si Franklin Delano Roosevelt na wala namang kinalaman sa history ng Pilipinas. Noong panahon ng giyera, si Roosevelt pa ang nag-utos kay General Douglas MacArthur na iwanan na ang Pilipinas dahil humihina na ang kanilang depensa.

Palagay namin, mas tama at mas may katuturan ang sinasabing iyan ni Tito Sen. Bakit mo nga ba papalitan ang pangalan ng isang kalye na magpapaalala sa iyo na ang lungsod ay natuklasan ng isang santong namuhay sa Pilipinas bago
naging martir sa Japan, at ang kalyeng iyon ang tanging daan patungo sa bulubunduking iyon na tinayuan nila ng isang “retiro” o bahay dalanginan, na nang kalaunan ay naging simbahan at pinagsimulan ng unang pamayanan sa ngayon ay kinikilala nating Quezon City, noon pang 1590. Wala pang Quezon City noon. Ang lugar ay sakop pa ng bayan ng Kalookan, na bahagi naman ng probinsiya ng Morong. Ang lugar ay tinawag na noong San Francisco del Monte.

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with